Saranggola

464 2 0
                                    

Bawat salita na lumalabas,
Sakit ang katumbas
Isusulat ko man o babasahin,
Pait parin ang aking maaangkin.

Alam mo para kang saranggola.
Ako ang taong pilit na hinahawakan ka,
At ikaw naman yong hinihila ng hangin para madala ng iba.

Pwede ko namang iikot ang panali
Para ikaw ay mailapit,
Oo kaya ko yang gawin.
Pero alam mo bang takot ako
Dahil baka maputol ang tali,
At tuluyan ka nag makawala sa akin.

Tanggap ko na kahit kasing lapit ka lang,
Nang saranggola na aking nakikita
Ang mahalaga magka ugnay parin tayo
Kahit sa pamamagitan lang ng sinulid

Pero ang tanga ako no?
Ako lang yong pilit na humahawak sayo kahit na ayaw mo.
Hiniling ko nalang sana na tumigil ang ihip ng hangin
Nang sa ganun kung ikaw  ay mahuhulog
Ay ikaw ay aking sasaluin.
Ng madama mo na mahalaga ka sa akin.

©VincentSamante

PoetryWhere stories live. Discover now