AMA

48 1 0
                                    

Mahal kita, sobra sobra
Ikay nagkulay sa aking mundo ng bongga
Ikaw ang dahilan kung bat ako masaya
Ni kahit sino man ay hindi ko nadama

Tuwing tayoy magkasama
Di masukat ang ligaya nating dalawa
Tawana't kulitan ang ating ginagawa
Di na napansin ang oras ay lumilipas na pala

Pero dumating ang araw, ikay nanlamig bigla
Hindi kana tumatawa o masaya
Hindi ko alam kung anong aking gagawin
Pero patuloy pa rin kitang mamahalin

Pero hindi ko inakala akoy iyong iiwan bigla
Hindi ka man lang nagpaalam (sinta)
Labis akong nasaktan sa inyong ginawa
Hindi ko man nasabi ang katagang mahal kita

Ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan
Dahil sayo lungkot ko'y aking nakakalimutan
Ngunit ngayon bakit ikaw na ang naging dahilan?
Nang aking luha na kahit anong pilit ay hindi ko mapipigilan

Alam mo ba ang pakiramdam?
Na paasahin sa mga salitang di naman magampanan?
"Promise walang iwanan", sa isang saglit lang
Kahit anino mo ay hindi ko na masilayan

Sana sinabi mo na ikay lalayo
Para di ako mabigla ng ganito
Alam kong kahit anong hiling
Di kana babalik sa aking piling

Ngayong wala ka na
Di ko alam kung anong aking gagawin ama
Lahat ng ating kasiyahan ay puro alaala na lang
Di na maibabalik ang mga sandaling kasama ka

PoetryWhere stories live. Discover now