Wika

199 2 0
                                    

Salitang ginawa para sa kabuoan ng ating mga sinasalita
Iba't ibang bansa ay may sariling wika
Na ginagamit upang magkaisa, umunlad at makisalamuha
At sa Ating bansa, Wikang Tagalog ang itinuring na wikang pambansa.

Daan-daan ang mga wika sa ating bansa
At nagkakaisa ito sa wikang pambansa
Gamit nito ay ating nagagawa
Mga bagay-bagay tulad ng pagkakaisa.

Libo-libong taon na ng naging ganap na may wika
Lumaganap ito sa iba't ibang pulo ng bansa
Dala ito ng mga dayuhan na pumapasok sa bayan
At taglay nito ang kapangyarihan ng kasamaan at kabutihan.

Noon, gamit lang ng ating mga ninuno
Ang bibig at sulat kamay upang maituro
Ang wika sa nga bagong tubo
Na mga bata sa bayang ito

Ngayon ang dami ng paraan
Upang maipalaganap ang sariling kayamanan ng bayan
Tulad nalang ng internet at paaralan
Naging daan ito upang lalong lumaganap ang sariling yaman.

Ang daming pinagdaanan
Ng wika na ngayon ay ating pinahahalagahan
Kaya atin itong ipalaganap ng lubusan
At ng maunawaan ng mga tao ang tunay nitong kahalagahan.

©VincentSamante

PoetryWhere stories live. Discover now