Larawan

81 0 0
                                    

Panahon ang lumipas,
Akala ko okay na lahat
Akala ko nakalabas na ako sa kulungan ng kahapon
At masayang haharapin ang bagong ngayon

Pero mali ako
Dahil sa isang larawan mo lang, Bumabalik ang ala-ala ng ating kahapon.
Naaalala ko kung paano mo binitawan ang kamay ko sa pagkakahawak
At tuluyang iniwan ako na imiiyak.

Bakit ba kasi naimbinto ang larawan Kung pait lang ang maalala ko kapag ito ay aking nahahawakan,
Sunugin ko man ang larawan
Lumuhuha parin ako sa tuwing naaalala kita sa aking isipan

Aalala ang mga yakap mo't halik
Mga bagay na masayang nating hinarap noon
Tanging sa larawan nalang ngayon.

Ang tinta na tumatak sa aking isipan
At mga mantsang hindi matanggal sa aking larawan
Sa luha ko nalang idinadaan.
Patawad sa ating nakaraan.

Pero kailangan na kitang kalimutan
At itapon sa basurahan
Kailangan ko nang bagong larawan
Na magiging rason nga aking muling pagtawa

©VincentSamante

PoetryWhere stories live. Discover now