Bawat bagay ay may halaga
Bawat salita ay may katumbas na nadarama
Pero sa bawat sulat ko ikaw ang naaalalaAlam mo ikaw ang LAPIS ng buhay ko Ikaw ang palaging lumilipad sa aking puso't isipan
Pero tulad ng LAPIS ay unti unti kang nauubos o di kayay nababali
Dahil sa pilit kong hawakan ka ng mahigpitSa pagpilit ko na magkaroon ng marka ang ating pag ibig,
Ay naging dahilan iyon upang mabali ka
At tuluyan ng mawala sa aking pilingOo ang saya ko na sana
Dahil sa pagka imbento ng pantasa Dahil pwede ko pang maibalik ang dati mong talas
At ako ulit ang maging iyong halagaPero sa iilang ulit na pagtatasa ko sayo,
Naging dahilan iyon upang tuluyan kang maubos
Gusto ko na maging tayo
Pero wla na,ako ang dahilan kung bakit ka nawalaAng mapait pa ay naiwan lahat ng marka mula sa pilit kung pagbabalik sa hindi dapat.
Ngayon ako ang hindi makalimot
Gagamitin ko man ang pambura upang makalimutan ka,
Pero may pambura ba para makalimutan ka sa puso ko at ala-ala?Tanggap ko na,
Na ako ang dahilan kung bakit ka nawala
Pero sana kahit ngayon ay nasa iba kana
Ikaw parin ang sa akin ay mahalaga©VincentSamante

YOU ARE READING
Poetry
PoetryBasically, this book contains poems, either english or tagalog. Usually, tungkol sa love ito,hihihi. Broken ang taga sulat ng tula eh,hahaha. Enjoy!