Chapter 6
Dumiretso sila sa condo ni End. Gano'n naman sila dati pa, 'pag may pinupuntahan ay dumidiretso sa bahay ng isa sa kanila.
"So anong problema?" Tanong ni Rare sa kanya, halata kasi sa mukha niya na kinakabahan siya. Parang noong unang beses siyang mag-opera ng pasyente.
"Galit sa akin si Loaisa." Uminom siya ng alak nang sagutin niya si Rare. Hindi naman siya ganito dati, 'pag may problema siya ay hindi naman niya dinadaan sa pag-inom. Ewan ko ba bakit ganito ako 'pag may problema kami ni Loaisa parang wala akong brain cells.
"Okay, bakit nagalit sa'yo pinsan ko? Mabait naman 'yon ah. Kahit anong gawin kong pambubulabog sa kanya ay hindi siya nagalit." Ang lahat ay nakatingin sa kanya, si U na walang pakialam sa mundo ay handa siyang sakmalin kung may mali siyang masabi.
"Iniwan ko siya noon, ayaw niya kasing magpaopera sa U.S dahil malalayo kami sa isa't isa. Pero bago ko siya iwanan sa tulong ni tito George ay ikinasal kami kaso hindi niya alam dahil ang kailangan ko lang ay pirma niya at family consent. Pumayag ang pamilya niya basta mapapayag ko lang si Loaisa na pumunta sa U.S. nakipag break ako at nagsalita ng mga masasakit na bagay, akala niya ang pinirmahan niyang papel ay para sa pagpapaalis sa kanya sa ospital pero marriage certificate talaga 'yon na ipinroseso naman ni tito George. Intern pa lang ako sa pagiging nurse noon, she's really kind yet stubborn." Masakit para kay Blue na alalahanin ang mga panahong pinili niyang iwanan si Loaisa.
"Tanga ka." Halos mabatukan niya si Johan. Kung makapagsalita akala mo naman napaka talino eh nuknukan naman ng katangahan sa katawan.
"Ito minsan ko lang sasabihin, if there is a chance that you can hold a girl that is so fragile and weak then don't ever let her go because once you do that? You'll going to regret everything my dear fucker. They are weak and fragile but once they change, you're just a little trash that they threw in their past. Para ka ring itong si katapusan, mga iniisip niyong paraan wala sa linya." Napatahimik lahat sila at ang unang nag-react ay si Hunter.
"Tangina graduate ka na sa pagigibg tanga." Lahat naman sila ay nagsitawanan.
"Pwede naman siyang magpagamot sa U.S eh, basta i-assure mo na walang kang kalokohan dito sa Pinas at ang mga advantage nang pagpapagamot niya. Dapat sinabi mo lahat para makumbinsi siya. Dapat gumawa ka ng paraan para hindi siya masaktan, ayan tuloy dahil sa kabulastugan mo parehas kayong nasaktan at ang masakit mukhang wala ng gusto sa'yo ang pinsan ko." Walang preno ang bibig ni U, naiinis siya dahil walang alam si Blue sa nangyari sa pinsan niya sa ibang bansa pero nagpapasalamat na rin siya dahil dito ay hindi na tulad ng dati si Loaisa.
Biglang tumunog ang cellphone ni End at sinagot niya ito.
"Hello, Ul? Oh bakit?" nakita nila ang pagkabigla sa mata ni End at dali-daling umalis.
Yari na naman ang kaibigan nila sa tigre nitong asawa. Kita nila ang pagkadismaya sa mata ni Ley, mahal na nga ng babaeng ito ang kaibigan nila. Parehas naman nilang mahal ang isa't isa bakit pa nila pinahihirapan ang isa't isa?
"Mga ogag ang dalawang 'yon, ikaw ba? Kung ako ang asawa mo Blue baka hindi na 'ko magpapalinlang sa'yo at humingi ako ng tulong sa pinsan ko para 'yong eroplanong sinasakyan mo mag crash then boom! Wala na." Sabi ni Hunter. Totoo namang gago siya, sobrang gago.
"Ano nga kasi ang gagawin ko? Hindi ko na alam... Tangina!" Napasabunot naman si Blue sa buhok niya, pagdating talaga kay Loaisa ay natitiklop siya.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)
General FictionHe is a doctor and atheist, he did not believe in religion nor God. He doesn't have what we called faith, miracles are exist because of our need to live. Our lives depend on us, we felt love because of the hypothalamus that controlled our emotions...