" Yller! "
Natigil ang seryosong usapan nang dumating si Hier.
" Umiyak ka? "
Hindi na makaimik si Loaisa dahil halata sa pagkamugto ng mata niya na siya ay umiyak.
" Yller. "
Ramdam ang bigat sa boses ni Hier kaya naman na alerto si Loaisa.
" No, wala siyang kasalanan. Naiyak ako tapos pinapatahan niya ko. Siguro dala ma rin ng pagbubuntis ko kaya medyo emosyonal ako. "
" Ahh. Tara na pasok na sa loob. May naisip na si Shannon. "
Sumunod ang tatlo kay Hier at punta sila sa sala.
******************
" Congratulations. "
Nagkamayan ang mga doktor sa loob ng operating room. Tagumpay ang operasyon at natanggal nila ang dikit-dikit na bukol sa kaliwang dibdib ng isang kilalang artista.
Tumingin si Blue sa orasan at alaskuwatro pa lang ng madaling-araw. Matapos maghugas ng kamay at lumabas sa operating room ay agad siyang pumasok sa isang bakanteng kuwarto upang magpahinga dahil hindi na siya makakaabot sa opisina niya sa sobrang antok dagdagan pa ng masakit niyang balikat.
Mahimbing ang pagkakatulog ni Blue nang may tumapik sa kanya.
" Dok. "
Dahan-dahang dumilat ang mata ni Blue at nakita niya ang isang nurse na nakatingin sa kanya habang ginigising siya. Napaupo si Blue at nagpahinga saglit.
" Bakit? "
Tanong niya sa nurse at ang nurse naman ay hindi maiwasang mamula, hindi na rin lingid sa kaalamanan ni Blue na karamihan sa mga nurses ng ospital ay may gusto sa kanya.
" Aayusin po kasi 'tong kuwarto para sa pasyente. "
" Ah, ganun ba? Sige. "
Tumayo si Blue at tumingin sa orasan.
' 10:00 am na pala. '
Paglabas niya sa kuwarto ay nakita na medyo aligaga ang mga staff at nurse ng ospital.
" Ano meron? " Tanong niya sanisang nurse.
" May nahulog po kasing bus sa bangin at ang lahat ng buhay dito idinala. 25 sugatan 5 ang kailangang operahan. May isa pong natusok ng bakal sa tiyan. "
Tinext niya sa Loaisa na baka hapon na siya makauwi dahil sa dami ng pasyente. Hinayaan niyang ang mga nurse ang umasikaso sa mga pasyenteng mababaw ang sugat. Agad niyang tiningnan ang kalagayan ng pasyenteng may bakal sa tiyan. Hindi kumurap ang mata niya at agad tiningnan kunga ano ang mga paraan upang matanggal ang bakal.
" Dr. Jones, may pasyente pong nadurog ang buto sa hita. "
Tiningnan niya rin ang pasyenteng sinabi ng nurse.
" Ang ortho natin nandya ba? "
" Mamaya pa po dating ni Dr. Marco. "
" Tawagan mo ngayon sabihin mo EMERGENCY. Kung hindi siya sasagot sa tawag sabihin mo sa akin. "
" Okay po. "
" Nurses and interns. Make it sure to do some alternative way kung hindi sapat ang ating mga gamit. Our stock room is open for the tools and equipment that you need. "
Maraming reserbang gamit sa stock room. Ang lahat ng staff ay kumilos upang suportahan ang mga nurses. Sila ang naglabas ng mga gamit sa stock room.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #2: BLUE (COMPLETE)
General FictionHe is a doctor and atheist, he did not believe in religion nor God. He doesn't have what we called faith, miracles are exist because of our need to live. Our lives depend on us, we felt love because of the hypothalamus that controlled our emotions...