Chapter 2: The Discovery

1.6K 81 5
                                    


"Ninang, do you think there is another universe?"

"Nako, anak. Hindi ko sigurado eh. Bakit?"

"Wala lang. I am wondering lang kung may iba pa bang mundo or reality than what we have."

"Paano kung meron nga, anong gagawin mo?"

"I will visit that universe, Ninang. Pupuntahan ko iyon."

"Ha? Bakit naman? Iiwan mo si Ninang Rose?"

"I just... I just want to know the other possibilities, Ninang."

"Other possibilities?"

"Yes. I want to know if sa other universe ba hindi magdi-divorce si Mama at Papa. If sa ibang universe ba buo kaming pamilya. Kung masaya ba kami at sama-sama. I want to know, Ninang... I... need... to... know."






Napakalawak ng private resort ng mga Vidanes. 200 square meters ito at may sariling private beach. Three floors ang villa – may balcony sa second floor at may rooftop. Modern ang design nito at halos gawa sa glass ang kabuuan. Meron ding private pool sa bakuran nito. It was a perfect place for a vacation. Ngunit sino nga ba ang makakapagsabi na magiging spot din ito para sa kauna-unahang UFO sighting sa Pilipinas. What are the odds?

Kahit si Kuya Kim ay hindi naniniwalang mangyayari sa kanila iyon. UFO. He loves science pero skeptical siya when it comes to aliens. Akala niya isa lang ito sa mga myth about the universe. Pero ano nga ba ang alam niya? Mas eksperto siya sa mga animals kesa sa astronomy or whatever branch of science na nagsstudy sa planets. However, despite his doubt, he cannot stop his inkling feeling na may madidiskubre sila sa dagat. Tila may pwersang humihila sa kanya na tignan kung ano ang meron sa parte ng resort na iyon.

Ilang hakbang lang mula sa bakuran ng villa ay narating na ng Showtime family ang dalampasigan. White sand ito na pinong-pino. The hosts cannot deny na masarap sa pakiramdam ang lambot at lamig ng buhangin sa kanilang mga paa. Binibigyan sila nito ng relaxing feeling. Nais pa sanang namnamin ng magkakaibigan ang kapayapaang nararamdaman ngunit napukaw ng nagbblink na ilaw sa hindi kalayuan ang kanilang mga atensyon.

Pamilyar kay Vice at Kuya Kim ang patay-sinding liwanag. It was the blue light they saw earlier pero tila papundi na ito. The source of the light is near the shore. Hindi nila mawari kung ano ang bagay na iyon pero base sa silhouette na kanilang nakikita ay malaki ito. They also noticed na pa-bilog ito, na halos ka-hugis na nito ang buwan.

"I think your UFO theory is correct, Kuya Kim." Billy said using his American accent. Kapag kabado talaga siya ay lumalabas ang banyaga niyang tono. "It looks like the death star."

"Death star? Ano 'yun, bestie?" tanong ni Vice na medyo may pataas ng tono. Nararamdaman na din kasi niya ang kaba ng lahat.

"Death Star. The space station from Star Wars that has the ability to destroy an entire planet."

"Holy shit! Oo nga. Baka sasakupin na tayo ni Darth Vader." Jugs exclaimed.

Sisitahin na sana ni Vice si Jugs dahil tila ito lang ang excited at hindi kinakabahan sa kanila ngunit hindi niya iyon natuloy ng makita nila na nagbukas ang takip sa ibabaw ng space ship. Napahinto silang lahat sa paghinga, scared of what might come out of the UFO.

Ano kayang itsura ng makikita nila?

Totoo kayang kulay green sila?

Malalaki ang mata?

Dalawa lang kaya talaga ang daliri nila?

Wala ba talaga silang buhok?

Madami pang tanong ang namumuo sa utak ng mga hosts, ngunit mas lalo atang nagrambol ang brain cells nila ng makita nila na tila mukhang mga tao ang lumalabas sa ship. May buhok ang mga ito – ang isa ay naka-brush up kaya pakiramdam nila ito ay lalake habang ang isa ay mahaba ang buhok at ito'y kulot-kulot. Hula nila iyon ang babae. Based din sa mga telang tinatangay ng hangin ay mukhang nakadamit ang mga ito.

They feel like they are watching a scene from a Philippine myth – ang paglabas nina Ganda at Lakas. Ngunit kesa sa kawayan, sa isang space ship sila nanggaling.

"Shit! Ayan na sila. Ready na ba tayo?" natatarantang tanong ni Vhong.

Walang iba na naglakas-loob na sagutin si Vhong kundi si Anne lamang.





"No... but we have to be."  

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon