Chapter 21: One Percent

1.2K 90 6
                                    


Matamlay ang naging umaga ng mga magkakaibigan. Lahat ay nangangamba, gaya nina Viceral at Ana. Nalaman na din kasi nila ang sinabi ni Kuya Kim sa huli.

Alas singko pa lang ay gising na ang lahat. Si Karylle na ang nagvolunteer na magluto habang ang iba ay kinakausap ang mag-aasawa at ina-assure na magwowork ang ginawa ni Kuya Kim. Lahat sila ay nag-aabang sa paglabas ng araw.

"Ano ba kayo, genius iyang si Kuya Kim. Magwowork yung solar panels!" Jugs said para i-boost ang tiwala nina Viceral at Ana.

Sinegundahan naman siya ni Vhong. "Oo nga. Tsaka 'di ba sa space, yung araw naman talaga yung source ng energy? For sure, solar power ang naisip na gamitin ni Dr. Kim."

Saglit namang nagtinginan ang mag-asawa bago mag-offer ng pilit na ngiti sa mga kausap.

"Sa totoo lang, hindi namin alam. Hindi naman namin nakita how Dr. Kim fixed the realm hopper. Nakita na lang namin siya na buo at ready na, so we only know how it works pero hindi namin alam kung paano ito china-charge. Ngayon lang kami naubusan ng power sa ibang universe." Ana explained.

Tumango naman ang kanyang asawa bilang pagsang-ayon. "Yeah, that's why we can only hope na gumana yung plan ni Kuya Kim. We truly want to go home dahil bukod sa miss na namin ang buhay namin sa Andromeda, ayaw din naman namin sirain ang buhay nina Vice at Karylle."

Namayani muli ang katahimikan pagkatapos ng usapang iyon. Kahit habang kumakain ng agahan ay walang nagsasalita sa kanila. Lahat ay palihim na nagdadasal na nawa'y magtagumpay ang napiling hakbang ng nakakatanda nilang miyembro.

Nang sumapit ang ika-alas sais ng umaga, nagtungo na ang magkakaibigan sa dalampasigan. Tabi-tabi silang umupo sa buhangin at inantay ang sunrise.

Hindi naman napigilan ni Ana ang bugso ng damdamin at tuluyan na siyang naiyak. Nabalot na kasi ng takot ang kanyang puso. Wala namang magawa si Viceral kundi ang yakapin lamang ang asawa. Naawa naman ang katabi nilang si Karylle at hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Ana habang si Vice ay nakayakap sa kanyang likuran. Kanya-kanyang comfort din naman ang iba sa isa't isa.

Nang tuluyang lumiwanag ang langit, walang naglakas loob sa kanila na gumalaw. Minuto ang inantay bago napagpasyahan nina Kuya Kim at Direk Bobet na i-check ang solar panels at ang system ng realm hopper. Naiwan na lamang ang iba sa hindi kalayuan.

"Ano sa tingin mo, Kuya Kim? Gumana kaya?" tanong ni Direk Bobet habang papalapit pa lamang sila sa spaceship.

Hindi naman na sumagot si Kuya Kim dahil kahit siya ay hindi sigurado. Nang makalapit, inisa-isa niya ang solar panels at chineck kung natatamaan ba ito ng araw. Once na maayos na ang angulo ng instrumento, umakyat na sila ni Direk sa loob ng realm hopper at tinignan kung umaangat ba ang battery percentage ng spaceship.

Pagkahakbang nila papasok ng realm hopper, nagulantang ang dalawang matanda nang mag-ilaw ang computer doon. Ngayon lamang ito nakita ni Kuya Kim na nabuksan. Dahil dito, dali-daling tumakbo ang huli palalapit sa system ng spaceship. Doon niya nakita ang isang imahe na animo'y pinapakita ang pagkakabuo ng hopper.

"Kim, ano 'yan?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kim, ano 'yan?"

"Hindi ko din alam, Direk. Ilang beses naming sinubukang buksan ni Viceral ang system ng realm hopper ngunit ayaw nito gumana. Marahil dahil sa kakulangan ng enerhiya. Ngayon lamang ito nabuhay."

Umusbong naman ang pag-asa sa puso ni Direk dahil sa sinabi ni Kuya Kim. Kinuha niya ang pagkabukas ng computer ng spaceship bilang senyales na gumagana ang solar panels dito.

"Te-teka... ito ata yung battery percentage ng realm hopper." pagputol ni Kuya Kim sa pagdidiwang ng isip ni Direk Bobet.

"Ano? Eh bakit blangko?"

"Feeling ko dapat may mga ilaw ang boxes sa paligid ng bilog na ito. Iyon ang sign na nagcha-charge ang realm hopper."

"Pe-pero hindi sila umiilaw... ibig bang sabihin nito..."

Hindi na matuloy ni Direk Bobet ang kanyang sasabihin. Bumagsak na rin lamang ang balikat ni Kuya Kim. Binalot silang pareho ng malungkot na katahimikan.

Tumagal din sila ng ilang minuto sa loob ng realm hopper, hoping na at some point ay makakargahan na ang spaceship. Subalit wala pa ring nagbago sa nakalagay na imahe sa computer.

"I think, kailangan na natin sabihin sa kanila ang resulta." aya ni Direk.

Hindi naman na umangal si Kuya Kim dahil kahit siya ay wala nang maisip na gawin. Akmang lalabas na ang dalawang matanda mula sa spaceship nang may marinig si Kuya Kim.


"One percent."














"Ahhhh! Good news! Gumana ang solar panels!" bulalas ni Direk Bobet habang tumatakbo pabalik sa kanyang mga anak-anakan. Nakangiti lamang na sumunod sa kanya si Kuya Kim.

Hindi naman agad na naproseso ng Showtime hosts ang narinig. Nanatili lamang silang nakatitig kay Direk Bobet.

"Tama ba rinig ko? Gumana daw yung plano ni Kuya Kim?" paglinaw ni Teddy.

"Parang iyon nga din dinig ko..." sagot ni Eruption.

Tuluyan naman na nilang naintindihan ang mga nangyayari nang makalapit na sa kanila si Direk Bobet at isa-isang sinabi sa kanila ang: "Nagcha-charge na ang realm hopper!"

Walang paglagyan naman ng saya ang mag-asawang Viceral.

"Oh my gosh, Kuya Kim. Sobrang thank you!" naluluhang usal ni Ana.

Nakipagkamay naman si Viceral sa matanda upang ipakita ang kanyang gratitude.

"Walang anuman. I am happy to help. Pero inform ko lang kayo ha. Nagcha-charge nga ang realm hopper pero biglang may lumabas na 32 sa gitna noong battery percentage. My theory is... baka 32 hours pa ang abutin bago ma-fully charge ito."

Saglit namang nagtinginan ang mag-asawa, as if computing kung gaano katagal ang aabutin noon.

"24 hours po ang isang araw niyo, right?" Viceral asked.

Tumango naman si Kuya Kim bilang tugon.

"So tomorrow pa po siya mafu-fully charge? Probably around 3pm, right?" singit ni Ana na siya ring tinanguan ni Kuya Kim. "Then may enough time pa rin. Tomorrow night pwede na po kaming umalis."

Hindi naman na dinaot ni Kuya Kim ang excitement ng mag-asawa at nginitian na lamang ang dalawa. Nakisali din ang iba sa pagbubunyi nina Viceral at Ana. They all hugged each other to express their happiness...

Dahil sa wakas...

Malapit nang makauwi ang kanilang alien na mga kaibigan.












"Okay, since today is our last full day together. Magshe-share ako ng one last story. Gusto niyo ba 'yon?" tanong ni Ana.

Naghiyawan naman ang lahat para ipaalam sa huli ang kagustuhan nilang marinig ang kwento nito.

"Okay, okay. Let's sit again at pakinggan niyo ang story nina...









Lester and Maia."

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon