They are walking along Miami Beach, hand-in-hand. Gabi na at malamig na ang simoy ng hangin ngunit tila hindi nila ito alintana. They are both happy - smiling, laughing at walang tigil sa paghaharutan. If hindi mo sila kilala at makikita mo sila sa kasulukuyang sitwasyon nila, you would think that they are a couple who are so inlove we each other...
and somehow, you would be right.
Nagpatuloy silang maglakad hanggang sa may naisip na ideya si Karylle. She stopped and decided to remove her dress. Vice was caught off guard, hindi niya alam ang gagawin. He just watched as Karylle slowly reveals her porcelain skin. He cannot deny na nabibighani siya dito.
Once she is only in her underwear, dahan-dahang naglakad si Karylle patungo sa tubig. Malakas ang ihip ng hangin na siyang nagdudulot ng malalakas na hampas ng alon. Bahagyang kinabahan si Vice sa binabalak ni Karylle.
"Come on, Vicey. Swim with me." Karylle said using her sweet voice pero mababanaag din ang kanyang pagiging seductive.
Vice wants to decline but as he watched Karylle swimming under the moonlight, he lost his strength to resist her. Without removing his clothes, he followed her.
"Uy Karylle, huwag kang masyadong lumayo. Safe ba itong trip mo?" Vice asked in order to hide his nervousness.
Hindi sumagot si Karylle. Instead, tumigil siya sa paglakad sa tubig at hinarap si Vice. She hugged him while there is a smile on her face.
"Vice... I love you."
"W-what?" Vice stuttered.
"I love you, Vice. Mahal mo din ba ako?"
Hindi alam ni Vice kung ano ang isasagot kaya kesa humanap na mga salita ay hinalikan na lamang niya si Karylle. Smack lang sana ang balak niya ngunit ng matikman niya ang tamis ng mga labi ni Karylle ay hindi na siya nakatiis. Pinalalim niya ang kanilang halikan.
With only the stars and the moon as their witnesses, they made love.
"Vice..."
"Vice..."
"Huy, Vice! Luh, natulala ka na ata sa takot." Sigaw ni Vhong na siyang gumising sa natutulog na diwa ni Vice.
Doon napagtanto ng huli na imagination lang pala niya ang lahat. Pagkakita kasi niya sa beach ay hindi niya napigilan ang kanyang utak na sariwain ang pag-amin sa kanya ni Karylle noong nasa US sila. Iyon nga lang, sa kanyang kathang isip ay maganda ang nangyari. Kasalungat ng katotohanan – katotohanang tinakbuhan lamang niya si Karylle at iniwan ito sa may karagatan. He did not kiss her or told her what he feels. Umalis lamang siya bigla ng walang paalam.
"Brad, titignan namin nila Kuys Billy yung UFO. Maiwan kayo nina Eruption ditto. Bantayan niyo yung girls." Utos ni Vhong nang masigurong nakikinig na sa kanya si Vice.
Upang iwaksi ang laman ng kanyang isip ay bumalik sa kaharutan si Vice. "Paano, Vhong? Eh girl din kaya ako!"
Tinawanan lang siya ni Vhong bago tuluyang iwan. Wala namang magawa si Vice dahil kumapit na sa kanya si Anne. Nakita din niyang nakakapit na si Karylle kay Ryan.
"Sis, natatakot ako."
"Sus, baka yung aliens pa matakot sa'yo. Akala nila yung black hole nasa bibig mo."
"Based on their silhouette, parang tao naman sila oh." Billy said habang dahan-dahan silang lumalapit sa kinaroroonan ng mga estranghero.
"Pwedeng tama ka, Billy. Pero according to research, may possibilities daw na gayahin ng mga aliens ang itsura natin, in order to blend in." Kuya Kim explained.
"Oo nga, Kuys. Hindi ka ba nanunuod ng mga alien movies? Yung iba nga ninanakaw pa yung katawan ng mga tao para lang magamit nila." Sabi ni Vhong bilang pagsang-ayon kay Kuya Kim.
Napa-iling na lang naman si Direk Bobet sa usapan ng tatlo. "Pwede ba huwag kayong maingay? Baka marinig nila tayo."
Ngunit huli na ang warning ng director. Sapagkat pagkalapit nila sa may UFO ay nakaharap na sa kanila ang mga estranghero. Natulala sila ng makita ng malapitan ang mga ito.
"Uhmm... hi? Kayo sina Vhong, Billy, Kuya Kim and Direk Bobet, right?" tanong ng babae.
"I know you do not know us but we somehow know you. Please, kailangan namin ng tulong niyo." Dagdag ng lalake.
"Yeah, you're right... we do not know you. But your faces... your faces are familiar to us." Sagot ni Billy na siyang nagpa-realize kay Vhong na tama ang kanilang nakikita.
"Putangina! Oo nga! Kamukha nila si Vice at Karylle!"
BINABASA MO ANG
The Possibilities of Us || ViceRylle
FanficOur love will defy the law of the universe. In different galaxies, we will love each other over and over.