Chapter 22: Desperate Times

1.4K 90 4
                                    



"Mommy, where are we going?" inosenteng tanong ng isang bata sa kanyang ina habang nakaupo na sila sa loob ng eroplano.

Inalis naman ng babae ang kanyang tingin sa may bintana at binalingan ang kanyang anak. Inalayan niyo ito ng matamis ngunit may halong pagdadalawang isip na ngiti. "We're going to meet your ninang."

"In person?" excited na balik ng bata. Natuwa siya sa ideyang makikilala na niya ang kanyang ninang na tanging sa video call lamang niya nakikita.

Napa-ngiti naman na ng totoo ang babae nang masilayan ang payak na kaligayahan ng anak. Hinawi niya ang buhok nito bago sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagtango.

"Oh my gosh, I can't wait to see the Philippines, mommy!"







"Nasaan na ba yung best friend mo, mahal?" tanong ng isang lalaki sa kanyang asawa.

"Ha? Nagtext siya, sabi niya tapos na daw sila eh. Palabas na daw."

"Sigurado ka ba na kaibigan mo talaga iyang nagmemessage sa'yo? Baka modus lang yan."

"Tsk, ewan ko sa'yo, Mike. Ang praning mo talaga. Matagal ko na siyang kaibigan 'no at alam kong siya ito. Darating siya."

Ilang minuto pang nag-intay ang mag-asawa para sa bisitang kanilang inaasahan. Halos makatulog na ang lalake dahil sa sobrang pagka-inip. Akmang itutuloy na nga nito ang kanyang pagidlip nang bulabugin siya ng malakas na sigaw ng kanyang kasama.



"Maiaaaaaa!"

"Gemmaaaaaa!!"




"Oh my goodness, grabe pala yung pinagdaanan mo sa Singapore, sis. Buti at safe kayong nakarating dito ni bagets." reaksyon ni Gemma nang marinig ang naging buhay nina Maia sa Singapore.

Kasalukuyan na silang nasa bahay ng mag-asawang sina Mike at Gemma, at dito napagpasyahang magkwentuhan.

Subalit lingid sa kaalaman ni Gemma ay bahagyang binago ni Maia ang kanyang istorya. Ipinaalam niya nga kay Gemma na naging pole dancer siya sa Singapore ngunit itinago na niya sa kaibigan ang trabaho niya bilang isang private investigator. Sinabi na lamang niya na may na-obsess sa kanyang customer at ini-stalk siya, hanggang umabot sa puntong pinagbantaan na nito ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang anak. Dahil dito ay wala na siyang naging ibang choice kundi ang umalis sa Singapore. Since wala na siyang ibang matatakbuhan, si Gemma ang kanyang kinontak at buong puso naman siya tinaggap ng babae.

"And actually... may isa pang rason." pagpapatuloy ni Maia.

Na-curious naman si Gemma sa kung ano ang sasabihin ng kaibigan. "Ano?"

Saglit na sinilip ni Maia ang anak, checking kung naiintindihan ba nito ang kanilang usapan. Nang makitang abala si Josh sa paglalaro nito sa cellphone ay itinuloy ni Maia ang kanyang sasabihin.

"Tinakasan namin yung ama nito." pabulong na sabi ni Maia habang tinuturo si Josh gamit ang kanyang nguso.

Na-gets naman ito ni Gemma. "Hala, bakit?"

"Gusto niyang makuha ang anak ko."

"What?!"

"Sabi niya kasi, mas makakabuti daw kung lalaki ang anak namin sa isang buong pamilya. At dahil ikakasal na siya sa bagong jowa niya, feeling niya mas makakabuti kung sa kanya na lang ang anak namin."

"Ay kapal muks rin naman talaga iyang ex mo, ano? Pagkatapos ng lahat, gusto pa niyang agawin sa'yo si bagets? Kalurks!"

"Kaya nga... kaya nga kailangan ko ng tulong niyo."

"Tulong saan?"







"Tulong sa paghahanap ng pwedeng maging bagong tatay ni Josh."

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon