Chapter 17: The Search

1.1K 91 1
                                    



Sa buong biyahe ni Maddie patungo sa bahay ng kanyang lola ay tahimik lamang siya. Bukod kasi sa ang dami na niyang iniisip ay wala rin naman siyang makausap. Wala naman siya sa mood para kausapin ang Grab driver niya.

Kinakabahan man sa magaganap na pagkikita nila ng lola niya ay mas okupado pa rin ng problema niya ang utak ni Maddie. Sa totoo kasi ay nagdalawang isip siyang iwan kay Alex ang restaurant ng kanyang Papa. Napag-alaman niya kasing palugi na ito at hindi na ito magawang maisalba ni Alex. Halos paubos na nga ang trust fund niya dahil sa kahihingi ng huli ng pera sa kanya. Sinasabi kasi ng kanyang nobyo na madami silang utang na dapat bayaran. Hindi man niya nakikita ang mga proweba na mayroon nga silang pagkakautang at palubog na ang sales nila ay naniniwala pa rin siya kay Alex. Ito na lang kasi ang natitirang tao sa buhay niya kaya ayaw na niya itong pagdudahan.

Akmang ipipikit na ni Maddie ang kanyang mga mata upang ipahinga ang kanyang utak sa pag-iisip, subalit biglang inanunsyo ng kanyang Grab driver na nakarating na sila sa kanyang destinasyon. Saglit na sinipat ni Maddie ang lugar mula sa bintana bago siya tuluyang bumaba.

Ang sumalubong sa kanya ay ang isang bahay na sobra nang luma. Isang palapag lang ito at halos bibigay na ang mga kahoy. Hindi makapaniwala si Maddie na may nakatira pa doon, subalit iyon ang address na nakalagay sa lumang liham na kanyang hawak.

Dahil malapit na maghatinggabi at madilim na ang paligid, hindi na nagdalawang isip si Maddie na kumatok. Ilang katok lang naman ay may nagbukas na ng pinto.

"Ma-maddie?"

"He-hello po... Lo-lola Armida."






"Ano ba ito? Ang pangit ng lasa! Ayoko sa kanya, Totoy. Palayasin mo yan!" bulalas ni Nanay Maria pagkatapos tikman ang nilutong tinola ng aplikante ni Bernice.

Wala namang magawa si Bernice kundi igiya na ang aplikante palabas ng kanilang kusina. Baka kasi kung ano pa ang mga ng kanyang ina dito. Pang-siyam na iyon na sumubok na makuha ang loob ng kanyang ina, subalit hanggang ngayon ay sawi pa rin silang makahanap ng personal chef slash tagapag-alaga ng kanyang ina.

"Hindi ko naman kailangan ng nurse, Totoy. Gusto ko lang ng isang kasama na magaling magluto. Mahirap ba talagang makahanap ng ganun?"

Kesa sumagot ay napa-buntong hininga na lamang si Bernice dahil kahit siya ay hindi alam kung makakahanap nga ba siya ng isang magaling na personal chef na kayang pagtiisan ang kanyang ina.





Ana's POV

Salat sa pera ang lola ni Maddie. Simula kasi nang mamatay ang anak nito na ina ng huli ay ang matanda na lamang ang kumakayod para sa kanyang sarili. Walang masyadong nagaalaga kay Lola Armida. Hindi na niya alam kung asan ang kanyang ibang kamag-anak. Tanging mga kapitbahay na lamang niya ang paminsang-minsang tumitingin sa kanya.

Isang araw, may isang kabataan na bumisita sa bahay ni Lola. Dinalan niya ng pagkain ang matanda at ito'y kanyang kinamusta. Sa gitna ng kanilang pagkwe-kwentuhan ay napansin noong dalaga ang mga litrato sa bahay ni Lola Armida. Doon niya nakita ang litrato ng mga magulang ni Maddie at agad niyang namukhaan ang tatay ng huli. Dahil dito ay nakwento ng dalaga kay Lola kung sino si Maddie Avilon at kung asan siya. Ikinatuwa naman ni Lola ang ideya na mayroon pala siyang apo kaya sa tulong noong kabataan, gumawa siya ng liham para kay Maddie.

Nakarating ang sulat sa Singapore subalit hinarang ng tatay ni Maddie na mabasa ito ng huli. Dahil hindi nga aware si Maddie sa existence ng kanyang lola, hindi niya agad natupad ang hiling nito na makilala siya. Dumaan ang mga taon at unti-unting nawala ang pag-asa ni Lola Armida na makita si Maddie. Buti na lamang ay sa huling hininga niya ay naisipan ng ama ni Maddie na itama ang kanyang mga pagkakamali. Ipinaalam niya ang kinaroroonan ng lola ng dalaga.

Sa una pa lamang nilang pagkikita ay agad nang ikinwento ni Lola Armida ang mga nangyari. Napagkaalaman ni Maddie na sanggol pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Doon din niya nadiskubre na hindi pala siya iniwan ng kanyang ina gaya ng kine-kwento ng kanyang ama kundi pala'y pinagtabuyan talaga ito ng kanyang papa. Ibinahagi din ng matanda ang diranas na malubhang sakit ng ina ni Maddie at kung ano ang mga pinagdaanan nito bago ito tuluyang pumanaw. Malaki naman ang pasasalamat ni Maddie dahil madami ang binigyang linaw ni Lola Armida sa kanyang buhay.

Isang linggo pa ang lumipas at tuluyan nang napalagay ang loob ni Maddie sa kanyang lola. Mabait kasi talaga ang matanda at natutuwa si Maddie sa kabutihan ng puso nito. Dahil dito ay nagkaroon siya ng urge to help her lola, subalit sa kasamaang palad ay  may problema din siya sa salapi. Because of this, she decided na maghanap ng trabaho.




On the other hand, patuloy pa rin sa paghahanap si Bernice ng personal chef. Madami man kasing nag-apply, wala pa ring pumasa sa panlasa ng kanyang ina. Kaya upang mas lumawak ang maaabot ng kanyang search ay nagpakalat na siya ng mga ad na siyang nagsasabi sa kung anong klaseng aplikante ang kanyang hinahanap.

Hindi naman talaga pihikan ang kanyang ina. Naaalala pa nga raw ni Bernice noon na sardinas lamang ay masaya na sila ng kanyang nanay. Subalit dala na rin ng depresyon dulot ng pagkalumpo nigo, idagdag pa ang pagtanda ay unti-unting nagbago si Tita Maria. Tila naging perfectionist ito and she wants nothing but the best.

Hindi naman magawang kontrahin ni Bernice ang kanyang ina dahil simple lang naman talaga ang mga hiling nito at hangga't kaya niya ay gusto niyang ibigay ang mga nais nito - gaya na lamang ng kagustuhan nitong magkaroon ng mahusay na personal chef.






"Ma'am, the next applicant is here na po." sabi ng assistant ni Bernice.

Latang-lata namang iniangat ni Bernice ang kanyang ulo mula sa pagkakayukyok. "Ha? Meron pa ba?"

"Yes po. Her name is Maddie Avilon daw po...."


Bernice knows that name. Ilang beses na niya itong narinig sa mga international show. Nakita na rin niya ang litrato ng babaeng nagdadala sa pangalang iyon - sa internet, sa TV at sa kung saan-saan pa.

At kahit anong pilit man niyang itanggi, alam niyang kahit hindi pa man sila nagkakakilala ay napabilis na ng dalaga ang tibok ng kanyang puso.







"Let her in..."

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon