Muling ginising ng nakasisilaw na liwanag si Karylle, ngunit this time, sigurado na siyang galing ito sa araw. Umusbong na kasi ang umaga at kahit pagod mula sa kanyang pag-iisip kagabi ay tila awtomatikong nagising ang kanyang diwa. Sisilay na sanang muli ang lungkot sa kanyang mukha nang may mapansin siya sa kanyang tabi. There was Vice, looking lovingly at her."What are you doing?" natatawang usisa ni Karylle sa nobyo.
"Masaya lang ako na nandito ka pa rin paggising ko," seryoso pero malambing na sagot ni Vice.
Karylle noticed the sadness in Vice's voice at kahit siya ay nadama iyon pero hindi niya rin napigilang mapa-ngiti sa tinuran ni Vice.
"Morning palang, Viceral, ang cheesy mo na agad."
Hindi naman tumugon si Vice, instead nagpatuloy lamang siya sa pagtitig kay Karylle. Tila ba kinakabisado na niya ang buong imahe ng nobya. Naconscious naman tuloy ang dalaga at pilit umiwas sa mga titig ng lalaki.
"Okaaaay..." ani Karylle habang dahan-dahang tumatayo. "I'll just go to the bathroom."
Pipigilan pa sana siya ni Vice subalit hindi na niya nahabol ang babae. Tawang-tawa na lamang si Karylle nang makapasok na siya ng banyo.
Saglit niyang tinitigan ang kanyang mukha. Doon niya napansin ang pagmumugto ng kanyang mukha. Pagkatapos kasing marinig ang usapan nina Ana kagabi ay hindi na niya napigilang maiyak. She can no longer deny na natatakot na talaga siya sa mga maaaring mangyari.
Nagpakawala siya ng buntong hininga bago umiwas ng tingin sa salamin at nagsimulang maghilamos. She washed her face, hoping that the water will clean all the negativities in her head. Tumagal din ng ilang segundo ang kanyang paghihilamos.
Feeling refreshed, tila nagimprove na nga agad ang mood ni Karylle. Subalit nang iangat niya ang kanyang mukha at muling tumitig sa salamin, bumalik ang takot sa kanyang pagkatao. Dahil sa kanyang paningin, unti-unti nang lumalabo ang kanyang repleksyon.
She blinked multiple times in order to check kung totoo ba ang kanyang nakikita. Muli din siyang naghimalos. Ngunit kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin ang paglabo ng kanyang repleksyon. Nagstart na siyang magpanic. Napatingin na siya sa kanyang sarili, at doon niya nakumpirma na unti-unti na nga siyang nagfa-fade.
Muling bumilis ang kanyang paghinga.
"No... no... hindi pa pwede. No...."
She started to cry. Naiiyak na siya sa nangyayari. Ngunit kahit anong hinagpis niya ay patuloy pa rin ang kanyang paglaho. She tried to feel herself pero kahit iyon ay hindi na rin niya maramdaman. Dahil dito ay napasigaw na siya.
"Noooooo!"
"Love! Love! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Vice nang maabutan ang nagpapanic na si Karylle sa banyo. Pagkarinig pa lamang niya sa sigaw ng nobya ay agad na niya itong sinundan. Dito niya nakita ang paghi-hysterical ng dalaga. "Babe, anong nangyayari? Anong nangyayari?"
Karylle struggled to calm herself down, ngunit nang madama na niya ang haplos ni Vice sa kanyang mukha ay doon na siya bumalik sa kanyang sarili. Unti-unting naging normal ang kanyang paghinga at tumigil na din siya sa paghikbi. Vice asked her again about what happened ngunit niyakap na lamang niya ang lalaki.
Unsure sa kung ano ang dapat niyang gawin ay mas hingpitan na lamang ni Vice ang yakap sa nobya. Hinaplos-haplos din niya ang likod nito hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak. Ilang segundo din silang nasa ganoong posisyon bago naisipan ni Vice na silipin ang mukha ng kanyang nobya through the mirror. Doon ay nakita niya si Karylle na titig na titig sa kanyang repleksyon.
BINABASA MO ANG
The Possibilities of Us || ViceRylle
FanfictionOur love will defy the law of the universe. In different galaxies, we will love each other over and over.