[Kabanata 9]
"Anong wish mo?" tanong ng batang si Leon kay Feliciana. Nasa edad apat na taong gulang pa lamang sila. Kasalukyang nakakasiyahan ang lahat dahil kaarawan ng ama ni Feliciana na isang prosecutor. Naroon din sa pagdiriwang ang buong pamilya nina Nightmare.
"Gusto ko ng doll house" sagot ni Feliciana, kasunod namang lumapit si Nightmare habang hawak-hawak ang paborito nitong laruan na robot. "Ako gusto ko ng isa pang robot" wika ni Nightmare, nakatayo silang tatlo sa malaking fountain sa tapat ng bahay ng Lolo ni Feliciana na kasalukuyang General.
"Ako naman gusto ko ng bike" saad naman ni Leon, nakatitig sila sa malinaw na tubig ng fountain. Habang nasa paligid naman nila ang iba pang mga bisita na karamihan ay mga negosyante at kaibigan ng mga magulang at Lolo nila sa Pulitika.
Ang Lolo ni Nightmare ay si General Cristobal Sallez, ang Lolo naman ni Leon ay si General Mandado Bautista at ang Lolo naman ni Feliciana ay si General Feliciano Medina. Ang kanilang mga Lolo ay matatalik na magkakaibigan mula elementarya, hayskul hanngang sa pumasok sila sa PMA (Philippine Military Academy).
Mas lalo pang naging matatag ang kanilang pagkakaibigan na sinubok ng iba't ibang misyon at digmaan. At ang kanilang mga anak ay naging matatalik ding magkakaibigan. Ang anak ni General Cristobal ay si Manuel Sallez na isang magaling at tanyag na Engineer, ang anak naman ni General Mandado ay si Fernando Bautista na naging pulis. Habang ang anak naman ni General Feliciano na si William Medina ay isang magaling na prosecutor.
Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng kaarawan ni William Medina ay naroon ang tatlong bata na kanilang pinagmamasdan na nakatayo sa tapat ng fountain. Nakaputing balloon dress si Feliciana habang si Nightmare naman ay naka-blue na polo at si Leon naman ay naka-red na polo.
Ilang sandali pa ay may lumapit na photographer sa tatlong bata, binuhat nito ang tatlo paupo sa gilid ng fountain saka siya lumayo "Say cheese" wika ng photographer, sabay-sabay namang ngumiti ang tatlong bata at nakuha ang napaagandang litrato na bahagi ng kanilang masasayang alaala.
"Isa pa" anunsyo ng estranghero na may hawak ng camera na binili nila Audrey, humahakbang pa ito paatras at ilang sandali pa ay bigla itong kumaripas ng takbo papalayo.
"Hoy! G*go! Ibalik mo 'yan!" sigaw ni Leon sa lalaki dahilan upang mapalingon ang ibang mga tao na naroroon sa plaza. "P*tangina!" inis na bulalas ni Nightmare sabay hubad sa backpack niya at nauna na itong tumakbo upang habulin ang magnanakaw.
"Dito ka muna, wag kang aalis" bilin ni Leon kay Audrey bago nito inalis ang backpack sa likod niya at dali-daling tumakbo para habulin din ang magnanakaw. Agad namang dinampot ni Audrey ang bag ni Nightmare at Leon saka tumakbo rin upang habulin sila.
Napapatabi sa gulat ang mga taong papasalubong, ang ilan ay napapasigaw pa dahil sa takot. Itinutulak ng magnanakaw ang mga taong humaharang sa daan niya, maging ang mga paninda na naroroon naman talaga nakapwesto kung kaya't nagkalat sa daan ang ibang mga paninda.
"Maliintikan ka talaga sa'min kapag naabutan ka namin!" sigaw pa ni Leon, napalingon sa kanya si Nightmare na nauuna sa kanya, agad itong tumango at sumenyas na iikot siya sa kabilang gilid. Tumango naman si Leon bilang pag-sangayon.
Ilang sandali pa ay napalingon ang magnanakaw habang kumakaripas pa rin ito ng takbo, napansin niyang isa na lang ang humahabol sa kanya at nang muli siyang tumingin sa harapan ay laking gulat niya nang tumambad sa harapan niya si Nightmare na mabilis pa sa kidlat siyang sinunggaban.
Nabitiwan ng magnanakaw ang camera sa ere, dali-dalig lumundag si Leon upang saluhin ang camera na ilang segundo lang ay babagsak na sa lupa. Samantala, mabilis na binali ni Nightmare ang braso at binti ng magnanakaw sa pamamagitan ng isang malakas na hampas gamit ang kamao niya. Mariing itinuro noon ni Commander Dado at Ka Ferding sa kanila na dapat nilang pilayan muna ang kalaban kung kailangan pa nila ito ng buhay.
BINABASA MO ANG
A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)
ActionIsang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at pagh...