Mistake 17

94.2K 3.7K 388
                                    

[Kabanata 17]

Nang gabi ring iyon, ilang minuto pang nanatili sa labas ng bahay si Audrey habang paulit-ulit na sinusulat ang totoong pangalan ni Nightmare sa lupa gamit ang isang maliit na piraso ng bato. Alas-nuebe na ng gabi, buhay na buhay pa rin ang kaniyang diwa.

Hindi niya rin namamalayan na kanina pa siya nakangiti habang sinusulat ang pangalan ni Nightmare.

Antonio

"Bagay na bagay nga sayo ang pangalan mo" hagikgik niya habang kinakausap ang sarili. Ilang sandali pa bigla siyang napatigil nang marinig niya ang pagdating ng isang motorsiklo mula sa di-kalayuan. Agad binura ni Audrey ang isinulat niya sa lupa, tumayo siya at sinundan ng tingin ang motorsiklong dere-derechong nagtungo papunta sa abandonadong kubo na matagal na niyang iniisip kung anong meron doon.

Napalingon siya sa paligid at nang masigurado niyang walang ibang tao, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa abandonadong kubo. Nang makarating siya doon ay tumigil siya sa likod ng isang puno at doon nagtago.

"Ilang linggo mo rin pinasakit ang ulo namin" inis na wika ni Siyam sabay lakad papunta sa motorsiklo at hinila ang binatilyong nakaangkas sa likod ng driver. Napatakip na lang si Audrey sa bibig dahil sa gulat nang masaksihan ang pagbagsak ng binatilyong iyon sa lupa. Unang tumama ang likod nito dahilan para mas lalo itong mamilipit sa sakit.

"T*ngina, nasaan na?!" ulit pa ni Siyam habang kinakapkapan ang binatilyo, hinubad naman na ng driver ng motorsiklo ang suot nitong helmet at bumaba sa sasakyan. Nanlaki ang mga mat ani Audrey nang makita na ang driver ng motorsiklo ay si Leon.

"Kaya ko nga dinala 'yan dito, ayaw umamin kung nasaan 'yung hinahanap natin" saad ni Leon, nagulat si Audrey nang suntukin ni Siyam sa mukha ang binatilyo na sa tingin niya ay nasa labin-dalawang taong gulang pa lamang.

"P*tangina! Ibigay mo na sa'min!" giit ni Siyam pero puro pagmamakaawa ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ng binatilyo.

Tatayo na sana si Audrey para awatin ang ginagawang pambubugbog ni Siyam sa kawawang binatilyo pero napatigil siya nang biglang bumukas ang pinto ng abandonadong bahay at lumabas doon si Nightmare, Dos, Onse at Uno.

Paano nakarating doon si Nightmare? Nakita ko siyang dumerecho sa bahay nila Ka Ferding kanina!

Hindi lubos maisip ni Audrey kung paano nangyari iyon, matapos sabihin ni Nightmare kanina ang totoong pangalan nito. Tinanaw siya ni Audrey hanggang sa marating nito sa kabila ang bahay nila Ka Ferding. At sigurado siyang hindi naman dumaan si Nightmare kanina sa tapat ng bahay ni Aling Coring, dahil iyon lang ang nag-iisang madadaanan papunta sa abandonadong kubo.

"Pinahirapan talaga ako ng batang 'yan" reklamo muli ni Leon nang makita ang mga kasamahan. Tinapik naman siya ni Nightmare sa balikat. "Mag-report ka na kay Commander" saad ni Nightmare, tumango naman ang kaibigan saka naglakad paputa sa bahay ng kaniyang lolo.

Halos walang kurap na pinapanood ni Audrey ang buong pangyayari mula sa likod ng puno. Nang makalapit si Nightmare sa binatilyong nagmamakaawang nakadapa sa lupa habang bugbog sarado na ang mukha nito. Tumutulo na rin ang dugo nito mula sa ilong at nabunging ngipin nito sa harap dahil sa lakas ng suntok ni Siyam.

"Ito na ang huli mong pagkakataon. Sabihin mo sa amin kung nasaan ang flashdrive ng papa mo" seryosong tanong ni Nightmare sa binatilyo, hindi naman nakapagsalita ang bata, nanginginig ito sa takot, umiiyak at nagmamakaawa.

"H-hindi ko alam" sagot nito sabay yuko, napahinga na lang ng malalim si Nightmare saka tumayo. Tumingin siya kay Uno at Onse na nakatayo sa likuran niya. Isang tango lang ni Nightmare ay agad kumilos na ang dalawa. Kinaladkad nila ang binatilyo papasok sa abandonadong bahay.

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon