KABANATA 2

134 3 0
                                    


Apple Juice.


Matagal nag-process sa utak ko ang sinabi niya. Kaya imbes na sa room ako pumasok, dumiretso muna ako sa banyo. Pumasok ako sa isang cubicle, huminga ng malalim nang paulit-ulit.

"Gwaps okay ka lang." It was Yveck. Sinundan pala nila ako.

"Bakit kaya yun ginawa ni Ricci, my gosh nakakainggit ka Madam."

"Nakakaloka ka kwenya."

Kung sila natutuwa sa nangyari, ako hindi. Nahihiya ako sa inasta ko ka
nina. Kahit ako nga kinikilabutan sa mga pinag-iisip ko kay Ricci. Ba't ko ba kasi yun naisip. Kalokang utak to.

Lumabas na ako ng cubicle at nakita ko ang tatlo kong kaibigan na naghihintay sa akin. Pagkatapos na mag-retouch ay lumakad na kami papuntang room namin. Panay pa rin ang kwento nila tungkol sa nangyari kesyo naiinggit daw sila sa akin, na sana daw sila na lang ang nilapitan ng ganun kalapit ni Ricci. Gusto ko sanang kalimutan yung nangyari, kwento naman sila ng kwento tungkol dun.

"Yhadz, please tumigil na kayo. Mag change topic na nga lang kayo." Na-iirita na kasi ako. Halos buong campus yata usap-usapan ang nagyari kanina.

"Eh panu naman kasi grabe yung naging conversation niyo ni Ricci." Namamanghang sabi ni Yveck.

Anong conversation pinagsasabi nito, eh hindi naman kami nag-usap.

Tinitigan ko lang naman siya ah. Ayyy anu ba yan, ayoko ko na ngang isipin yun!!!

"We don't talk." Pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Anong you don't talk, kinausap ka kaya ni Ricci." Oo kinausap niya nga ako. Siya lang ang nagsalita sa amin.

"Nakalimutan mo na? Ang bilis naman. Halika nga Wasquin at ipapaalala natin sa kanya ang nangyari." Tawag ni Jonette sa kaibigan naming beki.

Nagkibit-balikat nalang ako at pinagmasdan kung ano ang gagawin nila.

"Okay ganito. Ako si Ricci, at Wasquin ikaw naman si Queen Nie." Tumango si Wasquin sa sinabi ni Jonette.

Tumikhim muna si Jonette at binago nito ang tono ng boses. Yung boses panglalaki.

"You know staring is rude. Pero kung ikaw lang naman ang tititig sa akin, it's okay if you stare at me like that." Tapos nag-wink pa siya, eh wala namang wink na nangyari.

"Ay ang sweet naman." Ito namang bakla kinilig pa. May pa puppy eyes pa, eh di ko naman din yun ginawa.

"Alam niyo yhadz, tumigil na kayo." Mali-mali naman yung mga pinanggagawa nito.

"Di ba nag eye to eye contact kayo ni Cci. Edi parang nag-usap na rin kayo niyan, Madam."

"Anong feeling ng ganun gwaps na tinitigan ka ni Ricci ng ganun kalagkit." Kalagkit? Gaano kalagkit. Ano ba namang term yan.

"Para ka bang minamagnet, para kang tinutunaw o napapatibok nito ang puso mo na ganito kabilis." Inacting pa ni Wasquin habang hawak hawak ang dibdib at animo'y sumasayaw. Mas kinilig pa yata to kesa sa akin eh.

Pero ano nga ba? Yung pagkatitig ko talaga sa mga mata ni Ricci para ka talagang minamagnet. Aaminin ko rin bigla na lang din tumibok ang puso ko nun. Siguro kaba lang yun.

You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)Where stories live. Discover now