KABANATA 7

72 5 0
                                    


Support.



Buong araw akong kinukulit ng mga kaibigan ko. Dahil hindi sila titigil nang walang nakukuha mula sa akin kaya pinagbigyan ko na sila sa kagustuhan nila. Nang matapos kong ikwento, binaha naman agad nila ako ng pang-aasar. Natigil nalang sila nang dumating si Ricci. Binati niya ako kaya binati ko naman siya pabalik. Pangiti-ngiti naman akong sinulyapan ng mga kaibigan ko. Tinignan ko sila ng masama baka makahalata na si Ricci sa mga pinanggagawa nila.


Dahil medyo late kami pinalabas ng aming prof sa math, sa canteen na kami kumain ng lunch. Kanya-kanya kami ng order. Nang nasa table na kami, may pigura ng isang lalaking nakatayo sa may harap namin. Nakangiti itong nakatingin sa akin.


"Hey fafa Ricci, c'mon join us." Si Wasquin ang unang nagsalita sa amin. Lumipat ito sa tabi nina Jonette at Yveck.


"Uhm guys okay lang ba na sa inyo muna ako sasabay sa paglunch?" Tanong ni Ricci sa barkada ko. Pagkatapos ay bumaling sa akin. "Okay lang ba sa'yo?"

Bakit naman siya sa amin sasabay, nasaan ba ang mga kasamahan niya. Marami pa din namang vacant tables.

"Of course Ricci you can join us." Sabi ni Jonette. "Diba Madam."


"Uh sure, have a seat." Sagot ko naman at pina-upo siya sa tabi ko.

"Thank you." Tugon nito habang nilalapag ang dala-dalang tray.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi ako sanay na ang tahimik namin, pag kami lang magbabarkada hindi sila nauubusan ng sinasabi, pero ngayong kasama namin si Ricci, himala't ang tahimik nila.

"Ang awkward niyo." Biglaan pagsabi ni Jonette. Agad ko namang nakuha ang sinabi niya.

"Ano?" Tanong ni Ricci.

"Ah," sinipa ko ang binti nito. Pagbanta ko para umayos siya sa sasabihin nito. "Wala yun, I mean nasaan pala mga kasama mo?" Pag-iiba niya ng sasabihin. Buti naman at nakuha niya ang tingin ko.

"Ah well, that. Kanina ko pa nga sila inaantay. Baka late sila pina-out. Since nakita ko rin naman kayo dito, pinuntahan ko na kayo." Sabi niya naman at nagsubo muli ng kanin.

"Okay lang naman sa amin kahit every lunch ka pa andito." Si Yveck naman. Medyo natawa si Ricci sa sinabi nito.

"Hmm. Akala ko nga wala kayo dito, baka sa labas kayo naglunch." Sabi ulit niya. Na ngayon ay umiinom ng tubig.

"Don't worry, starting today dito na kami kakain araw-araw basta ba kasama ka namin sa table." Isa pa tong si Wasquin. Napakaharot talaga ng baklang to.


Imbes na sumagot si Ricci ay tumawa lang ito. Naramdaman kong tumingin siya sa akin kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Napalunok muna ako ng bahagya bago sumubo ulit.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong nito na agad ko namang binalingan ng tingin.

"H-ha a-ano, wag niyo na akong intindihin. Nakikinig naman ako sa inyo. Hehe." Nauutal ko pang sagot sa kanya. Binigyan ko siya ng isang ngiting pilit para maniwala ito.


You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)Where stories live. Discover now