Family.Maaga akong nagising at sinigurado kong na set ang alarm ko kagabi. Wala na kasing susundo sa akin ngayon. Bumiyahe na sina Kuya Paul papuntang Ilo-Ilo for their tournament. And because I am a supportive cousin, I wished them good luck.
Sumakay ako ng jeep papuntang UP. Hindi naman ako maaarte, di katulad ng iba dyan. I still have thirty five minutes before mag start ang first class ko. Tumambay muna ako sa may park bench ng campus habang naghihintay na dumating ang mga kaibigan ko. Nagbabasa ako ng notes nang may lumapit sa aking dalawang babae.
"Hello ate, di ba ikaw po ang kasama ni Ricci sa national bookstore?" Tanong ng isang medyo chubby na babae. Ngumiti ako sa kanila at tangong sumagot.
"Girlfriend ka ba niya ate?" Nagulat naman ako sa pabigla-biglang tanong na yun.
"Naku, hindi ah. Kaklase ko lang siya." Sabi ko naman.
"Eh bakit po kayo magkasama." Tanong ulit ng chubby na babae.
Pinaliwanag ko sa kanila ang dahilan kung bakit kami magkasama ni Ricci. Buti naman at nakuntento sila sa sinabi ko. Para naman silang magulang ko, inaalam bawat ginagawa ko araw-araw.
"Tsaka ang sweet niyo pa ni Ricci." Yung isa naman niyang kasama ang nagsalita.
Napakurap ako sa sinabi ng babae at inalala kung saang parte kami naging sweet ni Ricci.
"Sweet? Anong sweet ang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya, dahil wala akong alam dyan.
"Nasa IG story ka kasi ni Ricci. Una nung nasa bookstore kayo, tapos nung nasa park naman." Sagot nila. Alam na alam talaga nila yun. Fan girl nga naman.
Sinabi ko na lang sa kanila na wag na nila yung pansinin. Wala namang ibig sabihin yun at baka para siguro may pang 'My Day' lang talaga si Ricci. Mukhang hindi naniniwala ang dalawa sa sinabi ko kasi hindi pa sila umaalis sa harap ko. Diyos ko, para naman nila akong nilalagay sa hot seat nito, paniguradong tsismis na naman to.
Nagsidatingan na ang mga kaibigan ko dahilan ng pag-alis na rin ng dalawa. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
"Sino ang mga yun?" Tanong ni Wasquin.
"Nagtatanong lang." Sagot ko. Tumayo na ako. Nagsimula na kaming maglakad papuntang room.
"Yun naman pala kasi kaya hindi nakasama sa lakad natin, may ka-date." Sabi ni Jonette nang paakyat kami ng second floor.
Naalala ko na hindi pala ako nakapagpaalam sa kanila dahil sa pagmamadali ko nun. Naalala ko rin na punong-puno ng messages sa akin si Jonette, na hindi ko ni-replayan.
"Walang date na nangyari po." Sabi ko na hindi na siya nilingon at patuloy lang sa paglalakad.
"Eh ba't may pa-park at pa-ice cream na naganap?" Si Wasquin naman ulit ang nagtanong.
Binalewala ko na lang ang mga katanungan nila at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa pintuan ng room.
"Uso naman kasi ang mag kwento." Rinig kong sabi ni Yveck sa likuran ko. Huminto ako at humarap sa kanila. They crossed their arms and they give me a 'You have to tell us what happened' look. Basang-basa ko na ang mukha nila, at bilang kaibigan nila wala na akong choice kundi ang pagbigyan sila. Napabuntong hininga ulit ako.
YOU ARE READING
You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)
RomanceTHE PAST IS IN THE PAST. AN EX IS AN EX. What if si EX pa rin pala? Yung laging nasa isip mo, yung mahal mo. Kahit may ibang tao dyan na handang gawin ang lahat para hindi kana masaktan at kalimutan ang nagpasakit sa'yo. Would you follow your heart...