KABANATA 4

62 3 0
                                    


Partner.



After one month, isang buwan na ang lumipas matapos ang mga kahihiyang nangyari sa buhay ko. Naging head topic na ako minsan dito sa university, usap-usapan ang pag-follow ni Ricci sa akin.



Maraming nagtatanong sa akin kung panu nangyari yun, wala akong maibigay na sagot sa kanila, kahit nga mga kaibigan ko walang makuhang sagot mula sa akin. Hindi ko na lang pinapansin kung ano ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Hanggang sa di nagtagal ay humupa ang mga tsismis.



Pumasok na ako sa classroom kasabay ang mga kaibigan ko. Naabutan ko na  nasa loob na si Ricci. Himala, nauna pa sa akin at di na-late ang lalaking to. Bibihira lang kasi itong makapasok ng maaga. Tumuloy ako sa upuan ko, nakita kong nakapatong ang ulo nito sa mesa. Natutulog ba siya?

Umupo na lang ako at hindi na siya pinansin pa. Kinilabit ako ni Yveck na siyang nagpalingon sa akin.


"Napagod yata yan sa kaka-practice gwaps." Sabi nito sabay balik sa ginagawa.

Napalingon ulit ako sa lalaking pagod na pagod. Dapat pala di na lang siya pumasok kung ganun. Nalaman ko rin kay Yveck na nagpapractice sila ng basketball dahil next week may tournament sila sa Ilo-Ilo.


Dumating na si Mrs. Dela Torre. Hanggang ngayon tulog pa rin si Ricci, gigisingin ko ba siya. Nagdadalwang isip ako kung gigisingin o hindi, ayaw ko rin naman siyang istorbohin pa pero kasi baka makita siya ng prof, terror pa naman yun.



"Ahh, Ricci. Pst Ricci." Paggigising ko sa kanya. Siguro hindi niya narinig. Kinilabit ko na lang siya baka tuluyan nang magising.

Tinapik ko ang braso nito. Namangha ako sa hubog ng pangagatawan niya. Ang tigas ng kanyang braso, nagwowork-out yata siya. Napalunok ako nang hagurin ko ulit ang kanyang braso. Sa pagkakataong ito gumalaw siya, akala ko magagalit siya sa ginawa ko. Nilipat nito ang ulo na ngayon ay nakaharap na sa akin. Himbing pa rin na natutulog, nakita ko sa kanyang mukha ang pagod. Hindi ko na siya ginising pa.


Natapos na ang klase namin na hindi nakakahalata si Mrs. Dela Torre na may isa siyang estudyanteng tulog. Buti na lang talaga at walang follow up quiz na naganap. Lumabas na lahat ng mga kaklase ko pero si Ricci tulog pa rin. Naisip ko na hindi nalang siya gisingin pero naisip ko rin na may gagamit nitong room kaya kailangan niya nang gumising.


"Uhm yhadz sige na mauna na muna kayo at aayusin ko lang ang mga gamit ko." Sabi ko sa mga kaibigan ko at nagkibit-balikat lang sila.


"Okay, we'll wait you in the locker." Ngiting sabi ni Jonette at lumabas na sila ng room.


Pagkatapos kong maayos ang gamit ko, pinilit ko siyang ginising.

"Ricci, gumising ka na!" Ang sabi ko habang kinakalabit ang braso nito.


Napabuntong hininga ako dahil ang hirap gisingin ni Ricci. Napatitig ako sa taong nasa harap ko na maamong natutulog. Ang gwapo nga niya, kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Nilapit ko ang kamay ko sa kanya, nang akma kong hawakan ang kanyang mukha, ay saka naman nito minulat ang mga mata.  Sa sobrang pagkagulat ko ay napatayo ako ng maayos at di mapakali ang sarili.


"Ah a-ano... Ano k-kasi," nabubulol ko pang sabi. "Gigisingin sana kita, kasi ano, ah tapos na yung class natin, at baka k-kasi may pumasok na ibang klase dito." Pinilit kong ngumiti para hindi mahalatang di ako mapakali.

Hindi siya gumalaw, nanatiling nakahilig ang ulo nito sa mesa at nakakatitig ang mga mata nito sa akin. Napalunok ulit ako sa di malamang nararamdaman ng aking sistema. Sa bawat pagtitig niya sa akin, para akong tinutunaw.


You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)Where stories live. Discover now