KABANATA 5

66 3 0
                                    


Ice Cream.



Nakauwi na ako sa village as usual hinatid pa rin ako ni Kuya Paul. Nag-usap na rin kami ni kuya, sinabi niya na hindi niya ako mahahatid simula next week kasi aalis sila papuntang Ilo-Ilo. Sabi ko naman sa kanya na kaya kong mag-commute at para hindi na siya mag-alala kung panu ako uuwi, makikisabay na lang ako kay Jonette. Nakuntento naman siya dun. Ang sarap talaga sa pakiramdam magkaroon ng kuya. May nagpoprotekta sayo at palaging pinaparamdam na safe ka. Buti na lang talaga at nandyan si Kuya Paul.

Nasa kwarto na ako nanonood ng tv. Nag-vibrate ang phone ko dahil may text. Kinuha ko ito at binasa agad.

(0995*******)

Hey, it's me Ricci. Are you free tomorrow?

Siguro nagtataka kayo kung panu siya nagkaroon ng number ko. Well binigay ko sa kanya, hiningi niya kasi.

(ME:)

Yup! Why?

Pagkatapos kong mag-reply, I save his number.

(Ricci Rivero:)

Let's meet then. National Bookstore. Okay lang?

(ME:)

Sure, what time? Wala ka bang gagawin bukas?

(Ricci Rivero:)

Nope. It's my rest day.
1pm.

(ME:)

Okay.
Kung rest day niyo, ba't di ka na lang magpahinga?

Binibigyan din pala sila ng rest day, akala ko kahit weekends todo practice pa rin sila. He should just be resting tomorrow. Ayos lang naman sa akin na ako na lang ang mamili ng mga materials for the project.

(Ricci Rivero:)

I'm fine. Gusto ko rin kasing gumala.

(ME:)

Alright, if you say so.

Akala ko di na siya magre-reply. Aaminin ko hinintay ko talaga ang text niya. Nag-vibrate ulit ang phone ko.

(Ricci Rivero:)

Pag di ka sumipot, pupuntahan talaga kita diyan sa inyo. See you tomorrow😉

Nang mabasa ko ang text niya ramdam kong uminit ang pisngi ko kaya napahawak ako dito. Tumango ako imbes na replayan siya. Pano kaya kung di ako sisipot, totohanin niya kaya na pupuntahan niya ako dito. Para akong baliw na ngumingiti sa kaiisip na baka posibleng mangyari man yun.

Hindi ko namalayan na unti-unti na akong dinadalaw ng antok. Nakatulog na pala ako kaiisip.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha at tinignan ko ito kung sino ang tumatawag ng ganito ka-aga. Si Jonette napatawag.

"Hmmm." Sagot ko sa mahinang boses.

"MADAM KANINA PA AKO TEXT NG TEXT SAYO. HULAAN KO KAGIGISING MO LANG NO." Kung makasigaw naman to, parang ang laki ng kasalan ko.

You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)Where stories live. Discover now