KABANATA 3

78 2 2
                                    

Follow.


Hanggang 5 pm lang ang klase ko. Dalawang subjects lang ang parehong subject namin ni Ricci. Same professor, si Mrs. Dela Torre and same seat plan pa rin.

Accountancy: 8:30 - 9:30 AM.
Chemistry: 2:00-3:00 PM.

Kasabay ko palabas ng gate ang barkada ko na panay pa rin ang panunukso sa akin.

"Ang sweet nga naman talaga ni Ricci." Sabi ni Yveck na nakaakbay pa sa braso ko. Halatang kinikilig.

"At caught in the act ka Madam, napangiti siya dun." Tuwang-tuwa naman itong si Jonette.

Di ko rin napigilan ang pag ngiti ko ng maaala ang nangyari. Sino ba naman kasi ang di mapapangiti dun sa ginawa niya. At nagtataka na rin kung bakit niya rin iyon nagawa. Di ba nga inaway ko siya at pinagbintangan pa.

"Oh yhadz una na ako sa inyo dadaan pa akong national bookstore." Pag-papaalam na ni Wasquin.

"Sabay na ako sayo, dun rin naman ang daan ko." Si Yveck naman.

"Nandyan na rin pala ang sundo ko." Si Jonette na tinuro pa sa amin ang sundo niyang paparating.

Pagkatapos namin mag besohan at yakapan, nagpaalam na kami sa isa't-isa. Isasabay na sana ako ni Jonette, pero hindi ako pumayag na magpahatid sa kanya. Kaya ko rin naman ang mag-commute.

Nakalabas na ako ng main gate. Bago pa man ako magpatuloy sa paglalakad nakita ko si Kuya Paul na may kausap na tatlong lalaki sa tapat ng kotse niya. Ang GDL bros at si Ricci ang kausap niya. Di nagtagal ay nakita rin ako ni kuya at kumaway pa sa akin. Lumapit ako sa kanya dahil tinawag niya ako. Nang makalapit na ako ay napansin niya ang nagyari sa damit ko.

"Anong nangyari sa damit mo?" Tanong niya agad sa akin.

"Aksidenteng nataponan lang ng juice." Sagot ko naman para hindi na humaba ang issue nito. Natigil ako nang biglang tumikhim si Ricci. Maybe he knows that I lied. Well ano naman sa kanya.

Tumango lang si kuya Paul at inakbayan na lang ako.

"Bro, si Queen Nie pala..." Di natuloy sa sasabihin si kuya ng may sumabat.

"Girlfriend mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ricci. Nang tignan ko siya ang sama kung makatingin sa akin. Ano na naman ba ang ginawa ko dito.

"Haha. Hindi bro, pinsan ko to." Napatawa na lang si kuya Paul.

"Hi I'm Juan Gomez de Liano, my brother Javi and our new dude Ricci Rivero." Pakilala nito sa akin.

Nakipagkamay ako kay Juan, Javi at syempre kay Ricci na rin kahit nahihiya ako. First time kong mahawakan ang kamay niya. In fairness malambot. Napatingin nalang ako sa kanya dahil hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Nakita kong hindi na busangot ang mukha at nakataas lang ang kilay nito tila bang nag-aantay ng sasabihin ko.

Naalala ko na hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa kanyang binigay kanina. Ako na mismo ang unang bumitaw sa pagkakahawak at lumunok ng bahagya.

"Uhm, thank you nga pala." Ayan nasabi ko na rin sa kanya. Baka sabihin pa nito hindi ako marunong magpasalamat.

Wala akong narinig na sagot mula sa  kanya kundi tinititigan niya lang ako. Until i saw his wide smirk.

"Thank you saan?" Nagtatakang tanong naman ni kuya Paul. Palipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Ricci. Wala siyang nakuhang sagot kay Ricci dahil nagkibit-balikat lang ito. Kaya ako naman ang binalingan niya ng tingin.

You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)Where stories live. Discover now