Boyfriend.Nagdaan ang isang araw at tila mukhang may nagbago na sa pakikitungo ni Ricci sa akin o baka talagang assuming lang ako na close na kami ni Ricci.
Nang magsimula na ang klase namin hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya. Halos kalahating oras panay lang tingin ko sa katabi ko, iniisip kung bakit hindi ako nito pinapansin. Nung nagkasalubong kami sa gate parang hindi niya ako nakita. Ipapaalam ko lang sa kanya na ngayon ko na ipapasa ang project namin. Magsasalita na sana ako pero hindi rin natuloy dahil kinuha niya ang cellphone at parang may binabasa doon. Di bale nalang. Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pakikinig.
"San tayo kakain sa canteen or outside the campus?" Tanong ni Yveck.
Katatapos lang ng aming panghuling klase ngayong umaga. Aaminin ko wala akong naintindihan sa discussion ng prof kanina.
"Kahit saan, tanungin nalang natin si Kwenya." Si Wasquin. Pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
"Teka nga lang," pagpipigil ni Yveck kaya sadya rin akong huminto sa paglalakad at binalingan ang kaibigan.
"Okay ka lang yhadz?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.
"A-ako?" Pagtatakang tugon ko sa kanila.
"Oo ikaw madam, kanina pa namin napapansin na parang tulala ka lang." Si Jonette.
"Tulala? H-hindi ah. Okay naman ako." Dipensa ko naman sa sarili.
Napabuntong hininga na lang ang tatlo at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napagpasyahan namin na sa canteen nalang mananghalian. Ngunit pagpasok pa lang namin sa entrance door ng canteen, bumungad sa akin ang grupo ng kalalakihan. They are the university's basketball team I guess. Nandun si Juan, Javi and Diego pero bakit wala si Ricci. Nasaan kaya siya. Naka-order na kami at nakahanap na ng table. Habang kumakain hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa table ng basketball team at para bang kusang hinahanap ng mga mata ko si Ricci.
"Oh! Si Ricci but who's that girl?" Sabi ni Jonette kaya agad naman akong napalingon sa entrance door at tiningnan ang sinasabi nito.
Si Ricci nga. Si Ricci na may kasamang babae. Medyo matangkad ang babae, mahaba ang buhok na may pagkakulay brown. Maputi rin, rosy cheeks at nang ngumiti ito nagpakita ang malalim na dimples nito. In short, maganda siya.
"Kaya naman pala sinabi sa akin ni fafa Ricci na hindi siya makakasabay sa atin kasi may kasama siya." Sabi ni Wasquin habang nagpatuloy ito sa pagkain. Agad naman nitong nakuha ang atensyon ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Kanina nang pumunta ako sa CR nakita ko si fafa Ricci. So I grab the opportunity to ask him if sasabay siya maglunch. Unfortunately he said no." Paliwanag ni Wasquin.
Panay pa rin ang sulyap ko sa table nila. I saw them talking with others, laughing comfortably with each other.
"And because he's with his girl?" Sambit ni Jonette.
"His girl? Girlfriend na ni Ricci yan?" Paniniguradong tanong naman ni Yveck.
"I don't know, I just thought. This was the first time I saw Ricci with a girl. I mean except you." Turo nito sa akin. Hindi na ako nagreact pa at tahimik lang na nakikinig sa usapan. Same point of view as her, ito rin ang unang kita ko na may kasama si Ricci na babae. Kung hindi ang team ang kasama niya, kami lang naman.
YOU ARE READING
You're Still The One||Ricci Rivero (ONGOING)
RomanceTHE PAST IS IN THE PAST. AN EX IS AN EX. What if si EX pa rin pala? Yung laging nasa isip mo, yung mahal mo. Kahit may ibang tao dyan na handang gawin ang lahat para hindi kana masaktan at kalimutan ang nagpasakit sa'yo. Would you follow your heart...