Hindi pa niya nakakalimutan si Adrian pero may nasagap siyang chismis nang araw na iyon. Nagulat siya dahil tungkol ito kay Joseph na hindi na raw si Sabrina ang ginugusto kundi ang kanilang kaklaseng si Gabby na.

Well...

Hindi na rin siya nagulat dahil napapansin niya ngang may pagkakahawig si Gabby at Sabrina. Si Sabrina ay taga kabilang block, kabatch din nila. Isa itong dalaga na may mahaba at itim na buhok, may katangkaran at medyo boyish pumorma.

Si Gabby ay may mahabang buhok din at pareho silang may bangs ni Sab. Ang pagkakaiba ng dalawa'y ang fashion style. Kung boyish si Sab ay medyo girly naman itong si Gabby.

Simula noong nalaman ni Margot ang balitang iyo ay napapansin na nga niya lalo ang sweet gestures ni Joseph kay Gabby.

Nagkaroon sila ng volleyball game para sa kanilang PE. Nasa Team Violet si Joseph at sa Team Black naman si Gabby. Team Orange si Margot. Ang isang team ay Blue. Team Violet ang nangunguna dahil nandoon si Joseph na may hidden talent pala sa volleyball, isa siya sa spiker ng team. Ang isang spiker nama'y babae.

Tumabi si Margot kay Joseph habang break time nila sa laro.

"Uy, harangin mo bola pag may paparating ah!"

"Bakit ako?" Natawa ang binata.

"Kasi takot ako sa bola! Halata ba sa team namin?" Lalo pang natawa si Joseph dahil doon.

Hanggang sa sumandal si Gabby sa paanan ni Joseph. May bolang muntik na tumama kay Margot, natural ay napatili ang dalaga, hinarang ni Joseph iyon at binato ulit sa mga naglalaro. May muntikan ding tumana kay Gabby at sinipa naman iyon ni Joseph dahil nakaupo nga ang dalaga sa may paanan nya, sabay tanong kay Gabby ng, "Ayos ka lang Gabs?"

Nginitian lang sya ni Gabby sabay inaya bumiling tubig. Lumingon si Joseph kay Margot, "May gusto ka ipasabay?"

"Waley naman."

Tinignan nya habang papalayo yung dalawa. Ang ganda ng katawan ni Gabby, matangkad ito at slim. Pero, may magandang korte ang katawan at may abs pa. Sweet din talaga at thoughtful si Joseph sa kanya pero mukhang hindi pa ito ganoon kaseryoso. Isa si Gabby sa circle of friends ni Margot kaya malalaman nya agad ang balita kung may ligawan na nga bang nagaganap.

Para pawalain ang naiisip niya. Nag online na lang siya at nagawang makipagchat kay Miguel, and bago niyang kaibigan online. No feelings attached sila dahil purong pagkakaibigan ang hanap ng dalawa. Pareho silang mahilig sa BIGBANG, isang sikat na grupo ng sibgers at rappers sa Korea. Simula noo'y nadiskubre ng dalawa na pareho sila ng mga kantang gusto.

Dumating ang Valentine's at nagparamdam si Miguel matapos ang ilang araw na pananahimik. Hindi naman iyon ininda ni Margot. Weird pa nga ang dalawa dahil madalas silang mag-usap ng Ingles tuwing gabi na. Di din alam ni Margot kung bakit, pero okay lang naman sa kanya dahil mas vocal siyang mag Ingles pag chat.

Miguel: Margot! It's valentine's what music can you suggest? I'm searching right now in Spotify.

Margot: Well... Valentine?

Miguel: What else?

Margot: No one else comes close?

Miguel: Oooh, I like this no one else thingy. We really have the same jam!

Margot: My jam is anything that's meaningful or soft to the ears. No in betweens.

The Start Of You & Me (No Endings Necessary...)Where stories live. Discover now