1

16 0 0
                                    

"Ano ba pwede kong gawin? Nabuburyo na me."

Halata sa boses ni Margot ang pagkabagot. Isa na namang araw para gumawa sila ng props para sa Mythological Fest ng kanilang kurso. Ito ang unang pagsabak ng block nila sa entablado ng AB English. Nagsisimula ang ganitong presentations pag nasa sophomore year sila. Lahat ng English Majors sa PUP ay dumaan dito. Madalang ang hindi.

"Teh tigil mo nga muna kakangawa mo jan. Di ko masuot 'tong damit oh. Isipin ko na lang may boobs ako kahit sa katawan ko talaga ayaw pumasok ng damit."

Si Faye 'yon, ang laging kasakasama ni Margot mula nang nag sophomore sila. Di naman sila ganoon kalapit sa isa't-isa nung freshman year nila pero nagclick lang talaga ang samahan dahil pareho ang lenggwahe ng kanilang pag iisip.

"Where's Charles?"

Napabuntong hininga si Faye, "Wala ka naman nang aasahan don kay bading."

Nagpatuloy sila sa pagsusukat ng costume ni Faye.

May garalgal na boses syang narinig, "Nuada! Give up and I shall spare you or fight but left with no people in your hands anymore."

Si Joseph 'yon ang chinito na kaklase nila Margot. Isa sya sa mga main characters ng maikli nilang play. Ngayon nya lang nakitang umarte si Joseph pero mukhang masyadong absorbed ang binata sa pagpapractice nya.

Si Joseph ang lalaki sa klase nila na laging nakakakuha ng atensyon ni Margot. Palaging nakapwesto si Joseph sa may bintana sa ikalawang row at palagi ding nakatingin sa malayo o di kaya'y nagtatab. Simple lang naman ito, ni hindi nga maporma o mahilig mag ayos. Pero tuwing napapatingin si Margot, di nya alam kung bakit pero ang lakas lang ng dating ng binata kahit na tahimik ito madalas.

Pumalakpak si Margot na para bang nang aasar pero nginitian siya ng binata at nawala na naman ang mga mata nito sa sobrang singkit.

"Wow, ang galing galing naman ni King Breast!"

"It's King BRES, not BREAST and thank you."

Director: GUYS HUDDLE UP!

Hindi ganoong kaclose ang dalawa pero may asaran na sila. Pareho silang chubby kaya nama'y natutunan nilang magkurutan. Hindi naman talaga sila dapat close, kaso ang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Margot ay tropa din ni Joseph. One of the boys kasi talaga ang isang yon at pareho silang taga-Norte ni Joseph. Caloocan ang kaibigan nilang iyon at si Joseph nama'y taga-San Jose, Del Monte.

Kinurot ni Margot ang tagiliran ni Joseph at pinigilan ng binata ang pagsigaw dulot ng matinding sakit ilang segundo matapos siyang kurutin ni Margot. Iyon ang tipo ng kurot na habang kinukurot ka'y parang wala lang, pero pagkaraan ng ilang segundo'y kakaiba ang sakit.

Umurong urong palayo si Margot habang tumatawa. Si Joseph nama'y nang nagkaroon ng lakas ay unti unting lumapit kay Margot upang makaganti, hanggang sa para na silang nagpapatintero sa gitna ng mga kaklaseng nakikinig sa Direktor.

Director:  This is no time to be fooling around, you two!

Natigilan sila at tinignan ang isa't-isa. Napangiti silang dalawa pero ang mukha ni Joseph ay tila ba nagsasabing, "Lagot ka sakin mamaya."

Gayunpaman, binelatan na lang ni Margot si Joseph at nakinig na sa pagpupulong.

The Start Of You & Me (No Endings Necessary...)Where stories live. Discover now