Makalipas ang ilang linggo'y nagiging mas malapit ang loob ng dalawa. Palagi nang hinahatid ni Joseph si Margot sa may sakayan at hindi siya umaalis hangga't hindi nakakaandar ang jeep na sinasakyan ng dalaga.

Alam niyang aabutin sya ng hating gabi dahil sa uwian nilang alas nuebe na ng gabi dahil nga'y sa Bulacan pa siya uuwi, pero mas gusto raw nito ang masiguro ang kaligtasan ni Margot.

Tuwing naghihintay sila'y palaging niyayakap ni Joseph si Margot, at ang tipikal nilang hintayan ng jeep ay sa may Stop n Shop kung tawagin, sa ilalim ng poste kung saan maliwanag. Niyayakap niya palagi si Margot na para bang di niya ito makikita kinabukasan, pero yun ang nagpapasaya sa kanilang dalawa.

Simpleng halik lang sa pisngi ang binibigay nila sa isa't-isa bago nila parahin ang jeep. Pagkaandar nito't pagkakaway ni Margot ay tsaka lamang lalakad paalis si Joseph.

Hindi alam ni Margot kung magiging seryoso ba talaga sila ni Joseph, dahil baka isa lang ito sa mga fling. Baka itrato lang din siyang fling ni Joseph. Baka hanggang ganoon lang sila. Yun ang pangamba niya kaya may pumipigil sa damdamin niya na mahulog ng tuluyan.

"Malapit na birthday ni Charry, bilhan natin siya ng gift?" Tanong niya kay Joseph.

"Ngayon ba? Pwede naman, mahaba naman break eh."

"Mamaya na lang, maaga naman uwian ngayon kasi wala si Sir."

"Oh sige po. Later na lang."

Dumating ang uwian at nagpunta sila sa mall kung saan nagcelebrate si Margot ng 18th birthday nya kasama ang mga kaibigan sa college. Iyon ang unang pagkakataon na lalabas silang dalawa na walang ibang kasama.

Bukod sa pagbili ng regalo'y naisipan din nilang manuod ng sine. May narinig kasi sila na maganda daw ang 'Train to Busan'. Nagdesisyon silang bumili muna ng pagkain sa may supermarket.

Naglalakad si Margot sa unahan ni Joseph at parehong kamay nito'y parang lumilipad, nang biglang hawakan ni Joseph ang kanang kamay ni Margot.

Napatingin ang dalaga sa kanya.

"Ano meron?"

"Kasi, pinapahawak mo ata sakin eh. Ayan hinawakan ko na."

"Ang kapal!"

Nag asaran sila pero walang bumitiw sa pagkakawak ng kamay. Nagtaka din si Margot. Bakit hindi siya kinabahan? Yun ang normal na reaksyon ng dibdib niya tuwing may lalaking hahawak sa kamay niya, kinakabahan siya... Pero hindi ngayon. Iba ang naramdaman niya.

Naramdaman niyang secured siya. Komportable.

Maganda ang naging istorya ng palabas. Sa dulo pa nga'y naiyak si Margot. Madali kasing maiyak ang dalaga. Nakasandal siya at naramdaman ni Joseph na may kakaiba.

Nakita nitong umiiyak ang dalaga...

"Sinong umaway sayo? Baka isipin nila pinapaiyak kita." Sabay punas sa luha ni Margot at halik sa noo.

"Baliw! Eh nakakaiyak yung flashback."

Sa huli'y, wala silang nabili na regalo dahil wala silang maisip na ibigay kay Charry. Napagkasunduan nilang susubukan na lang nila na pumunta sa kaarawan nito kahit na linggo pa iyon.

May nalalapit na deadline ng isang project at kailanga'y linggo linggo magkaroon sila ng entry sa journal...

Margot: Huy, kumilos ka na!

Joseph: Inaantok na ako, bebe. :(

Margot: Sulat ka na muna kahit tatlong entry man lang.

Joseph: Papikit na ako eh.

Margot: Kailan ka ba dumilat?

Joseph: Nung nakilala kita.

Margot: Utot! Magsimula ka na. Sige na please, bebe ko...

Joseph: Ano ba 'yan, ako ang kinilig imbes na ikaw eh.

Margot: Saan ka naman kinilig?

Joseph: Sa 'bebe ko'.

Nakatapos ng entries si Joseph bago magpasahan, hari ata talaga ito ng procrastination. Mabuti talaga't nakapagpasa ang binata, kung hindi ay away na naman ang abot nilang dalawa ni Margot.

Madalas ay takot itong galitin ang dalaga dahil nalulungkot siya tuwing nararamdaman niyang lumalayo ang loob nito sa kanya. Kaya ginagawa niya ang lahat para maiwasan ang pag aaway nila...

Kahit wala pa namang sila o kung magkakaroon nga ba? Hindi kasi alam ni Margot kung ano ba siya kay Joseph, natatakot din siyang magtanong dito. Ang alam niya lang ay parang panaginip ang pagtrato nito sa kanya. Kahit kaila'y di pa siya tinrato na parang prinsesa noon ng isang lalaki. Kayang kaya nila sa salita pero hindi sa gawa...

Joseph: Bebe?

Margot: Po?

Joseph: Lav u.

Margot: Lav u too.

Joseph: Bebe?

Margot: Ohhhh?

Joseph: Akin ka na lang, please?

Margot: Hmm... Pinag iisipan yan eh, pero dahil wala namang ibang pagbibigyan ng sarili. Sige sayo muna ako.

Joseph: Totoo yan haaaa!!!

Ilang araw matapos ang gabing iyon, may isang bagay na naganap. Desisyon na ginawa ni Joseph...

The Start Of You & Me (No Endings Necessary...)Where stories live. Discover now