Maaga ang naging uwi ni Joseph dahil kailangan nilang maghanda ni Margot para sa debate class nila. Magkakampi ang dalawa pero nagkanya kanya silang paghahanda ng rebuttal at argumento.

Tungkol ang debate sa kung ano ba ang mas nakakabuti, all-girl at all-boy schools o nga eskwelahang magkahalo ang mga babae't lalaki.

Joseph: Kinakabahan ako, bebe. Hindi 'to ang strength ko.

Margot: Kahit ako naman :(

Joseph: At least magaling ka mag English.

Margot: Ikaw din naman, iniisip mo lang na hindi.

Joseph: Hay, tulog na tayo para makapag isip ng ayos bukas?

Margot: Oksi, tara na po. Good night, bebe ko. Lav lav 😘

Joseph: Good night, good luck sa'tin bukas. I love you! 😘

Iyong ang unang pagkakataon na chinat sya ng ganoon ni Joseph. Unang pagkakataon na inakala nyang malabo ang mata nya kaya tinignan nya kung totoo ba ang nabasa at... Totoo nga!

Margot: Lav lav 😘

Ayaw nyang mag, "I love you too" dahil mula nang saktan sya ni Adrian, naisip na nya ang halaga ng mga salitang 'yon. Alam nyang mabibigat iyon at dapat sinasabi lang kung totoo.

Sa tatlong buwan nilang nagkakamabutihan ni Joseph ito ang unang beses na sinabi nito ang mga salita. Ilang taon na silang magkakilala pero naiisip niya pa din na baka hindi pa ito seryoso.

Pero...

Ayaw na lang niyang isipin masyado. Ang alam nya lang ay sumaya ang puso nya. Hindi kinabahan o natakot. Sumaya lang.

Sa sumunod na araw, naging best speaker si Margot. Muntikan na niyang mapalitan ang panig ng mga adjudicators pero mas malakas ang oposisyon. Malungkot si Joseph dahil hindi niya nasabi ang mga gusto niyang sabihin sa harapan dahil sa kaba.

The Start Of You & Me (No Endings Necessary...)Where stories live. Discover now