2

12 0 0
                                    

Isa na naman ito sa mga gabing kakausapin ni Margot ang kinahuhumalingan nyang si Adrian. Bakit nga masyadong hooked si Margot? Dahil si Adrian na ang pasok sa lahat ng pwedeng pasukan sa standards niya... Siguro?

Pakiramdam kasi niya gabi gabi'y nakikipag usap siya sa kanyang Prince Charming. Ang Prinsipe na hanggang text at tawag lamang ang kayang gawin at di man lang makaluwas para lamang makita siya. Taga-Bacoor ang binata at wala raw girlfriend.

Adrian: Babe!

Margot: Hi, Adrian! Kamusta ang araw mo?

Adrian: Okay lang naman. Kamusta araw mo, baby?

Margot: How many times do I have to tell you to not call me that?

Adrian: Why?

Margot: Because! It makes me feel generic. Just one of your girls.

Adrian: Alam mong di yan totoo, Myla.

Margot: (silence)

Nagpanggap si Adrian na inuubo at masama ang pakiramdam para lang ibaba na ang telepono.

Doon niya nakumpirmang hindi siya ang nag iisang kausap nito. Ano nga naman ang aasahan niya sa lalaking nakilala lang naman niya sa internet?

Dumating na ang araw ng stage play...

Mag-iisang linggo nang di nagpaparamdam si Adrian, ni ha ni ho wala. Sinubukan tumawag ni Margot pero tuwing tatawag sya'y kasama nito ang kanyang mga barkada.

Mag-iisang linggo na din mula nang inaya siyang makipag kita nito sa unang pagkakataon. Ang unang tanong ng binata ay, "May eurotel sa tapat ng mall diba?"

Doon pa lang ay natunugan na nya agad na hindi naman talaga siya sa mall aayain ng binata kundi sa hotel na katapat nito. Ani ng binata'y para masulit ang oras nila sa pag uusap na walang ibang taong nakikinig o nakikiusisa sa kanila. Tumanggi siya sa plano nito't sinabing baka sa susunod na lang pag handa na syang sa publiko makipagkita.

Halatang nadismaya ang binata at iba na lang ang ipinilit gamit ang pagtawag ay may gusto siyang marinig mula kay Margot. Naramdaman ni Margot na hindi na tama iyon at sinabihang tumigil siya. Nagalit ang binata at nagpaalam na lang para sa gabing iyon.

Gabi gabi siyang umiiyak matapos no'n pero alam din niyang tama ang desisyon niyang tumigil na lang sa pagpapantasyang may ganoon kagwapong lalaki na magseseryoso sa kanya. Ni hindi nga sya tinitignan ni Joseph, seryosohin pa kaya ng phone pal niya?

Director: HUDDLE UP GUYS! Today is the day. Just half an hour away. I pray that our prayer would be heard.

"Margs, pwede magpatulong magbody paint?"

"Sure, but how to?"

"Sabi ni direk, papangitin daw dapat mukhang may mga ugat ugat ako sa katawan at mukha."

Walang saplot ang kalahating katawan ni Joseph at may leather na palda siyang kulay brown para sa pang ibaba. Kung iisipi'y ang palda niya'y parang sa mga Spartan pero iba nga lang ang kulay. Nakalipstick din itong itim dahil siya ang kontrabida sa istorya.

Nakacostume din si Margot, kulay grey ang kanyang suot na dress. Kung iisipi'y mukha siyang makalumang tao, naswertehan nya lang ang damit mula sa ukay-ukay. Pumuputok man ito'y buti nagkasiya pa rin.

Ang setup ng kanilang stage ay minimalistic. Kakaunti lang talaga ang kanilang props, dahil mas nagfocus silang mag improvise para sa costumes ng kanilang mga artista.

Isang oak tree lang ang nakapwesto sa stage at isang trono na pinuno ng mga pekeng ugat. Ang trono na uupuan ni Joseph.

Nang araw na iyon ay isa sila sa limang blocks na may pinakamagandang naipresentang play. Hindi sila masyado nagfocus sa kung ano ang magiging itsura ng props, kundi sa kung paano dadalhin ng mga artista ang istorya.

Nagawa iyon ng matiwasay at naging matagumpay ang resulta ng pinaghirapan nilang magkakaklase. Lahat ng kanilang audience at mga guro'y namangha sa acting skills ni Joseph lalo na ang kanilang adviser sa subject na iyon.

Sa saya niya noong araw na yun at nakalimutan niyang may kumikirot pa pala sa damdamin niya.

The Start Of You & Me (No Endings Necessary...)Where stories live. Discover now