Lumipas ang ilang araw at gumagana na naman ang pagkamaldita ni Margot. Nag uusap pa din sila ni Florence pero mas madalas na niyang kausap ngayon si Joseph sa kung anu-anong kalokohan at asaran lang. Parang hindi sila nauubusan ng pag-uusapan.
Isang gabi, may naisip na kamalditahan itong si Margot...
Margot: Alam mo lagi tayong tinitignan ni Mia pag magkasama tayo.
Joseph: Talaga ba?
Margot: Yes, bez. Asarin natin, pag kaharap natin siya kunwari sweer tayo hahahaha.
Joseph: Alam mo pasimple ka pa eh.
Margot: Alam mo ang kapal ng taba mo eh no. Ano nga, g?
Joseph: Bahala ka hahahaha. Makikiride na lang ako sa mga gagawin mo.
Napansin nga ni Faye na pag magkasama ang dalawa'y nakabusangot ang mukha ni Mia.
"Huy babaita, baka sakmalin ka ni Mia!"
"Pinakawalan niya noon diba?"
"Maldita ka talaga!"
Nagtawanan silang dalawa dahil... Ano pa ba ang bago doon? Maldita naman nang kilala si Margot sa classroom nila.
"Oy, oo nga pala. Baka naman bes. Pumunta ka sa Sabado ha!"
"Kailangan ba nakadress ako?"
Pinag uusapan nila ang paparating na debut ni Faye na gaganapin sa bahay nila sa may Taytay.
"Parang tanga, ikaw ba magdedebut? Ako diba!" Luminga itong si Faye kay Joseph na katabi ni Margot na naglalaro ng tab. "Hoy, Sef. Ikaw din ah! Magtatampo ako."
"Oo ba!"
Nagpaalam ng maaga si Margot sa nanay at tatay niya. Pag hindi kasi'y magiging malabo ang makadalo siya, mahigpit ang mga magulang ng dalaga at hindi basta-bastang pinapayagan sa mga ganoon na lakaran.
Dumating ang Sabado't nagpaalam siya kay Florence tungkol sa lakad niya...
Margot: Baby, punta na akong Taytay ah.
Florence: Sige lang. Text ka na lang pag pauwi ka na.
Hindi galit si Florence. Alam na ni Margot iyon, na walang pakialam ito. Napagdesisyunan niyang wag na lang ito kausapin para sa buong araw na iyon.
Tinupad niya ang nasa isip. Hindi niya chinat o text si Florence at nag enjoy na lamang siya sa party ni Faye. Masarap ang naging handa ni Faye at kumpleto pa silang magkakaibigan kaya puro tawanan ang nangyari.
Halos kumpleto na sila, si Charry lang ang wala dahil kasama pa daw ito ni Joseph at sabay silang papunta sa Taytay. Dumating ang dalawa bandang alas siyete na ng gabi. Natagalan daw sila dahil sa lakas ng ulan. Ano pa ba ang aasahan sa buwan ng Agosto? Karamihan ng araw ay maulan.
Nang dumating si Joseph at Charry ay medyo nakainom na si Margot at medyo tipsy na.
"Ano ba yan, Charry! Bat ngayon lang kayo?" Sambit ni Margot.
"Nako teh ha. Dami naman pinagdaanan, pahingi naman ng shanghai!" Sabay nakaw nito sa shanghai ni Margot.
Nagsimula na silang magsikanta at tuwing nalilingon si Margot kay Joseph ay nakangiti ito sa kanya. Kaya lalo niyang ginagalingan sa karaoke. Kaso madami siyang kaagaw.
Nang bandang alas nuwebe na'y medyo hilo na si Margot kaya't pumirmi lang siya sa pag upo at nakikipag selfie na lang sa ibang mga kasama. Nagkatapat ng upo si Joseph at Gabby. Nakita ni Margot ang tinginan ng dalawa, nakipagselfie pa nga itong si Joseph kasama si Gabby gamit ang cellphone ni Margot.
Sumandal si Margot sa balikat ni Charles at nagselfie kasama ito para magmukhang hindi pa siya nahihilo. Nang nakatabi ni Margot si Joseph ay napasandal siya sa balikat nito at nakipag picture din. Iyon ang kauna-unahan litrato ng dalawa na sila lang ang nasa picture at wala nang iba pang nakasingit.
Maya maya pa'y nagtext na ang mga magulang ni Margot. Hinanap na niya si Faye.
"Beshy, I need to go home na. Hanap na ako."
"Mag-isa ka lang?"
"Oo ata, wala pa ata may balak sa kanilang umuwi."
"Gaga ka talaga." Bumaling ito sa ibang mga kasama nilang kaklase. "Uy sinong uuwi na jan? Mag-isang uuwi 'to oh."
"Bakla ka, ayos lang ako."
"San ka ba uuwi babae ka?"
"Jan lang sa Pasig."
Alam ni Joseph na taga-Pasig si Florence dahil nabanggit noon ni Margot kung kaya't...
"Bakit sa Pasig, Margs?"
"Andon sila mommy. Dun kami matutulog ngayon eh. Pet sitting."
Sumingit sa usapan si Blue na taga-Pasig.
"Sige na, ako na maghahatid kay Margot. Mapapagalitan din ako nila Ate kung di pa ako uuwi eh. Sa Jenny's ako bababa. Pwede ka ba don?"
"Oo baks. Keri na ako dun, malapit na sa bahay ng tito ko yun."
Hinatid nina Richard, Joseph, at Charles ang dalawa sa sakayan ng tricycle.
Nagsalita si Richard...
"Hoy ingatan mo yan, Blue ha! Konyat ka sakin. Ayusin mo ha. Nakainom ka pa naman."
"Oo gagi."
Nagbeso na si Margot kina Charles at Richard, pero nahiya siyang makipagbeso kay Joseph kaya nagbabye na lang siya dito at sabay sumakay na siyang tricycle.
Sinundo siya ng mommy at daddy nya noong gabi na iyon sa may Jenny's sa Pasig. Madilim na pero may mga iilan na tao pa din naman. Nakita nya agad ang kotse kaya sumakay na din siya agad, habang nagdarasal na hindi siya amoy alak.
Pagkadating sa bahay ng tito niya, nagcheck siya ng mga mensahe sa messenger nya. Walang galing kay Florence.
Pero...
"Nakauwi ka na ba?"
Isang mensahe mula sa chinito na nagpapangiti sa kanya.
YOU ARE READING
The Start Of You & Me (No Endings Necessary...)
Literatura FemininaI believed that all this time, I had to find someone who makes my heart pound. He made me matured. He made me think in a totally different way when it comes to love.