one

772 14 3
                                    

Awu

Tumigil ang sasakyan namin sa harapan ng isang malaking puting bahay na pinalilibutan ng mga halaman sa gilid.

Ito na siguro yun.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa aming sasakyan.

"Tumulong ka sa pagbaba ng mga gamit natin." Sabi ni Mama pagkababa ko.

Pumunta ako sa likod ng sasakyan namin at binuksan ito. Kumuha akong isang bagahe mula roon. At bago ako lumakad patungo sa loob ng bahay ay napalingon ako sa paligid namin.

Hindi ganoon kadami ang bahay. Malayo sila sa isa't isa at mabibilang mo sa daliri mo kung ilan ang mga ito.

"Dalian mo na diyan, Awu." sabi sa akin ni Mama.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong binubuksan na niya ang bagong bahay na lilipatan namin.

Pulis si Daddy. Kaya hindi na bago sa amin ang palipat-lipat ng bahay dahil sa trabaho niya. Minsan, once every two years siyang iniiba ang destino. We can't complain about that kasi yun lang naman bumubuhay sa amin.

And because of that, wala rin akong permanent friends. Just because, we don't have a permanent address. And sometimes, my school is affected too. Buti ngayon, lumipat kami na bakasyon na.

Pagpasok ko sa bahay, it's not creepy as I expected it to be. Malinis sa loob. Ang sabi ni Mama, lagi naman daw itong nililinis according to the owner of the house na nasa ibang bansa daw. Matagal na nila itong ipinagbibili kaso walang bumibili. Hindi ko alam kung bakit...

Wala namang ibang bagay dito na sobrang creepy...wala namang painting ng matanda or rocking chair or family pictures. Tanging mga upuan lang, yung tipikal na makikita sa bahay-bahay.

"Awu, wag ka mabagal. Marami pa tayong bagahe, anak." sabi ni Daddy sa akin kaya ako natigilan sa pagtingin sa kabuuan ng bahay.

Pagkatapos naming magpasok ng mga gamit namin, pinili naming magpahinga na sa kanya-kanya naming mga kwarto. Malaki ang bahay para hindi ako humiwalay sa kanila.

Kinabukasan, umalis muna sina Daddy at Mama. Kailangan nilang bumili ng pagkain. Malalayo ang pamilihan dito kaya matatagalan sila. Kaya siguro, pang isang linggo na rin ang bibilhin nila.

Habang hinihintay ko sila, lumabas ako ng bahay. Naupo sa kahoy na upuan dito at tumingin tingin sa paligid.

Wala akong ibang alam gawin. Kundi ang ganito. Wala rin akong ibang nakikitang tao.

Ilang sandali pa, parang narinig yata ng tadhana ang boses ko at may kumatok sa gate namin.

"Sulat po, Ma'am." Sabi sa akin ng isang tagapaghatid ng mga sulat, naka uniporme siyang kulay puti at may sumbrero.

Tinignan ko ang maliit na envelope na inaabot niya sa akin.

I thought it was wrong address but it's not.

Hi

     I know, hindi ka na nakatira diyan. But I'm still sending this to you. I won't be expecting any replies from you. Kasi alam kong galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Kung makita mo man tong sulat ko, I just want to say sorry. Hindi ako nagpaalam dahil alam kong hindi ako makakaalis. And I know, sorry from a letter is and will never be enough. Sana bago ako mamatay, makita kitang muli. Malapit na akong mamatay. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko ngayon. Dahil natatakot ako, Alex. Natatakot ako na baka hindi na kita makitang muli.

- elijah

Makita Kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon