nine

226 10 2
                                    

Awu

Nagpatuloy ang pagpapalitan namin ng sulat. Every three days, tatanggap ako ng sulat. At bago matapos ang araw na yun ay pupunta ako sa bayan para magpadala ng sulat para sa kanya.

Siya lang nakakausap ko dito maliban sa mga magulang ko. He became my human diary. We became each other's human diary. And I feel like he's really a good person. Madali niyang nakuha ang loob ko. At sa totoo lang, gusto ko siyang makita.

"Ma, wala na ba tayong ibang ballpen?" tanong ko sa Mama ko, bumaba ako ng kwarto ko para itanong lang yun.

      I decorated my room today, Elijah. Nagpabili ako kay Mama ng paint. Mahilig kasi ako sa mga ganoon. And guess what? I painted rain plus rainbows. Hehe. And I've painted flowers too. Kulay yellow lahat. Then, I moved my bed sa tabi ng bintana so I can see the sunset or sunrise properly. Ikaw? Kamusta ka na???

- awu

     I think, Pali is okay now. I hugged him just like what you've told me, Awu. Yesterday, I was able to walk with him. We watched the sunrise together. At kamusta na nga ba ako...ito hehe. Okay lang siguro ako. Lumalaban pa rin sa buhay. Dumating mga pinsan ko kanina dito. They visited me. Narinig ko silang umiiyak paglabas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang umiyak. Hehe. And nice idea sa pagdecorate ng room mo. I think, you should add Pali's face there, Awu.

- elijah

And suddenly, he was not talking to Alex anymore. Awu na ang nakikita kong pangalan sa mga sulat niya. Hindi na rin ako sumasagot bilang Alex.

I don't know. Nangyari na lang bigla.

At sabi nga nila, mas madaling mag open up sa isang taong hindi ka kakilala at hindi mo kilala.

      Alam ko may problema ka rin. Pero sasama na rin ako hehe. Dadagdagan ko na rin problema mo. I feel empty, Elijah. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because I don't have friends? O walang permanente sa buhay ko. Pabago-bago kami ng bahay kasi. Masasanay ako sa isang bagay tapos bigla kaming lilipat. Tapos maiiwan ko na naman ang bagay na akala ko ay matatagalan na sa akin. I don't have permanent people too in my life except sa parents ko. Minsan, naiinis ako sa set up namin. I don't know. Feeling ko ang dami kong nakakaligtaan. I just feel empty sometimes. Tapos I received your letters. Then, now we're exchanging letters. Natatakot rin ako na baka mawala 'to.

- awu

     People come and they will go just like that. Sabi mo dba? And there's no such thing called "permanent people". Wala naman permanente. People come and they will go. And that's okay. Kasi ganon naman talaga ang buhay. Siguro. Siguro ganon. Baka may mga tao talagang hindi itinadhanang manatili habang buhay sayo. Siguro ganon. Hindi ko din alam. Pero wag ka ng malungkot, Awu. You should enjoy your life hangga't nandyan pa.

- elijah

Then suddenly, I no longer receiving letters from him. That was his last letter to me.

Makita Kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon