twelve

327 11 9
                                    

Awu

He died the next day.

It was heart breaking. How could life give you something beautiful yet it will never be yours forever? Bibigay niya tapos kukunin niya rin.

I was really broken. Na hindi ko na kinaya pang makita siyang inililibing.

"Awu, teka lang." Tawag sa akin ng pinsan niya habang naglalakad ako patungo sa labas.

"Pinapabigay 'to ni Elijah." sabi niya sabay abot ng isang sulat. "I mean, nung buhay pa siya...Kahapon lang din niya sinulat yan habang tulog ka. Pinapabigay niya sa akin."

"Thank you..."

"Matagal na siyang may sakit. Mahirap sa amin, masakit. Pero...tanggap na namin. Kasi ganoon talaga. Makikita naman natin siyang muli." sabi ng pinsan niya.

Tumango ako. At lalakad na sana nang biglang lumapit sa akin si Pali.

Nasasaktan ako habang nakikita ko siyang sumasayaw sa ilalim, sa binti ko. Wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari.

"Pwede mo siyang dalhin..." sabi ng pinsan ni Elijah.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. At hindi nagdalawang isip na dalhin si Pali.

Sa tabi ng bintana ng bus kami naupo ni Pali. At habang naghihintay na umandar ang bus, tinitigan ko ang sulat ni Elijah sa akin na di ko pa nababasa. Pakiramdam ko ay may naiwan ako. Hindi ko alam.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang sulat niya. This is his last letter para sa akin. Last. Huli. Wala ng susunod.

      Hi Allysa Wurren. I don't know when will you receive this or when will I die for you to receive this. Hindi ko din alam kung saan tutungo tong sulat na to o kung gusto ko pa bang tapusin o ano. But first, thank you. Thank you kasi you read my letters. And you wrote back to me. Pinuntahan mo pa ako hehe. Gusto ko pa sanang magtagal dito. Gustong gusto ko, Awu. But my body...my body doesn't want it. Mas lumalaban ako kasi ayoko rin na...na maiwan ka na naman. Pero hindi na kaya ng katawan ko. Siguro nga, people come and they will go. And I'm writing this while looking at you asleep. Sorry. I don't know why. But sorry. Kung pwede ko lang kunin yung sakit na nararamdaman mo ngayon. Sayang. Sana kaagad tayong nagkakilala. Para we can still watch sunrises and sunsets together. I love painting too, btw. Sana rin nakita ko man lang yung mukha ni Pali sa wall ng kwarto mo. Ayaw kong umalis. Pero wala. Kailangan. Magkikita pa rin naman tayo. Siguro. Hindi ko alam. Sa maikling panahon, nakilala kita. And I hope you're always gonna be happy. And remember that, it's okay for people to go kasi baka kailangan na rin sila ng iba. Baka kailangan na sila ni Lord. I don't know. Baka I'll be your guardian angel. Who knows? And please, if you see Alex please tell her that I'm sorry. Tell her everything. Okay? And I hope, Pali will come with you. Watch sunrise and sunsets with him. He likes that. This is taking too long, Awu. It was nice to meet you and I'll see you soon.

- elijah

Tears were non stop. Niyakap ko si Pali ng mahigpit. At umiyak ng umiyak.

At pagbaba ko sa bus, napagtanto kong naiwan ko ang bag kung nasaan ang mga sulat ni Elijah sa akin. Tanginang naiwan lang sa akin ay itong huling sulat niya.

Huminga ako ng malalim. At hindi na hinabol pa ang bus para kunin iyon.

Makita Kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon