eleven

241 12 8
                                    

Awu

Hindi pa ako nakakatapat sa bahay nila, naglalakad pa lang ako ay papalapit ay kumirot ang puso ko nang may makita akong nakaupong lalaki sa isang bench sa garden dito. Naka face mask siya. At kalbo siya. It's not an haircut. Kalbo siya dahil...he looks sick. May kasama rin siyang aso na nakaupo sa tabi niya.

Is this Elijah?

Nanghina ang mga tuhod ko kahit hindi pa ako sigurado kung siya ba yun o hindi.

"Kuya! May tao!" bigla akong napalingon sa ibaba ko at nakitang may bata sa tapat ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at ipinasok ako sa lupain nila. Tapos ay iniwan rin ako pagkatapos. Paglingon sa akin nung lalaki, nagtama ang tingin namin. At nakaramdam ulit ako ng kirot sa puso ko.

"Ah..." kinapa ko ang mga salita, lumunok ako. Nanghihina ang pakiramdam ko. "I...I'm looking for...Elijah. I don't know his full name but I have his-"

"I'm Elijah."

Hindi ko natuloy ang pagbibigay ko sa kanya ng sulat niya para ipakita sa kanya.

He's Elijah.

Nanlambot ako lalo. Naawa ako. Sa kanya. At nasaktan ako sa nakikita ko ngayon.

"I'm...I'm Awu..." pagpapakilala ko sa kanya.

He's sick. Really sick.

Naluluha ako habang tinitignan siya. I saw him smiled. Kahit na nakatakip ang bibig niya dahil sa face mask niya.

Bigla akong nilapitan ng aso niya. Sumayaw sayaw sa binti ko.

Pero sobra akong nanghihina dahil sa natuklasan ko.

"I...I came here to...to..." naiiyak ako. "To...to see you. Kasi...hindi ka na sumulat ulit."

Nag-iba siya ng tingin pagkasabi ko nun.

"Don't look at me like that..." sabi niya. "But it's nice to see you, Awu. I wanna hug you but I don't like to see your eyes right now. Baka mahirapan akong umalis."

"Aalis ka ba?" tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.

"Hmm." sagot niya. "Cancer. Stage four."

Hindi niya pa pinapaliwanag pero nadurog na ang puso ko sa narinig ko. Napaupo na lang ako sa tabi niya nang marinig ko iyon.

Natulala. Natigilan.

"Nung sinabing may cancer ako, nagsimula akong magsulat para kay Alex. And I end up writing for you instead...It was unexpectedly beautiful, Awu. Pero may iiwan na naman akong tao. And the day you told me na ayaw mo ng iniiwan, na ayaw mo ng pansamantala na naman, I somehow regret writing back to you nung una kang sumulat sa akin. Maiiwan ka na naman, Awu..." nilingon niya ako.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang sakit.

Bakit naman ganito?

"Because of you, kahit papaano nakalimutan ko si Alex. I found a friend sa huling mga sandali ko dito. Kahit gusto ko pang magtagal, hindi na kaya ng katawan ko. I guess, I'm not really your rainbow. I guess, I am just your rain and after me, there will be rainbow." Sabi niya.

Umiiyak ako. Hindi na ako tumigil sa pag-iyak. Hanggang sa inakbayan niya ako at nilapit sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Don't cry. Let's watch the sunset for the first time together." sabi niya.

And that was also the last time.

Makita Kang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon