3:00 AM

47 23 3
                                    

Part one: 3:00 am

(Tik tok tik tok)
Bukod sa tunog ng orasan, Isang napakalakas na kulog ang maririnig sa labas.

"Hayss... umuulan nanaman yung sinampay kong kumot sa labas! Anak ng tinapa!!." Sigaw ng isang babae. Kasabay nito ang pagmamadali niya papunta sa labas.

"Naistorbo tuloy ang tulog ko! Teka anong oras na ba?" Aniya niya at tinignan ang orasan.

"3:00 am? Talaga naman oo! 2 hours nalang ang natitirang oras ko buset!" Pasigaw sabay bato ng mga
kumot na inakas.

Bumalik na ang babae sa kanyang kwarto para bumalik sa pagtulog. Sa kaniyang paghiga sumulyap pa muna sa bintana kasabay non ang pagkidlat na may napakalakas ng kulog. Isang anino ang kaniyang nakita.

"Huh?!! Si-Sino yan?! Sino yang anjan?!!!?" Sobrang takot at kaba ang makikita sa mukha ng babae.

Muling kumidlat at kumulog ang anino ay papalapit. Habang papalapit ito wari ay parang isang tao isang napakalaking tao at ito'y babae...

"Si-si-sino ka?!" Umiiyak at takot na takot na tanong ng babae.


"Laraa.... AHAHAH Laraa..." Isang demonyong tawa ng babae hindi siya tao sa kaniyang boses isa siyang pa
rang nasaniban ng isang demonyo.

Lara pala ang pangalan ng babae. Napatayo siya sa takot at tumakbo para buksan ang ilaw. Ngunit laking gulat ng makitang wala na iyon sa may bintana.

"Hindi! Hindi pwedeng illusion lang yon! Asan kana?! LUMABAS KA!! LUMAYAS KA SA PAMAMA-
HAY KO!" Umiiyak na sigaw ni lara

Ngunit walang nagsalita ilang sandali pa ay naghintay si lara, pero wala. Pinatay na niya ang ilaw at biglang..

"Hindi mo ito bahay!! AHAHAHAHAHHAHA!" Sigaw ng demonyong babae sa likod ni lara.

"AAAAHHHH!" Biglang sigaw ng babae mula sa pagkakatulog.

"P-panaginip lang?! Panaginip lang pala Haysss..." Ang lahat ay isang panaginip lang pala ni lara kaya naman bumalik na siya sa pagtulog.

3:00 am
(Tik tok tik tok)

Lara's POV
Nagising ako dahil may tumutulong tubig sa aking mukhaa. Sabagay lumang luma narin ang bahay na ito naghihintay nalang ako ng darating na sweldo at ipapaayos bago ko ibenta.

Bumangon ako upang buksan ang ilaw at lumabas para kumuha ng upuan para pag sampahan upang takpan ang butas na pinanggagalingan ng tumutu-long tubig.

Pag balik ko dala ang monoblock nabitawan ko ito at napatakip sa sarili kong bibig. ISANG BABAENG NAKABIGTI ANG NAKITA KO PINAHID KO ANG KANINANG BASANG TUMULO SA AKING NOO. Ito'y dugo dugo mg isang namatay na babae.

Nanginginig sa takot kong nilapitan ang babaeng nakabigtin tinignan ang kaniyang mukha.

Biglang gumalaw ang kaniya ulo.

"BAHAY KO TO BAHAY KO TO! LUMAYAS KAAAA!!" Sigaw saakin ng babaeng nakabigti. Nanigas ako sa aking pagkakatayo at bigla na lamang naging itim na ang aking nakita.
----------------------------------------------

Tales of the unusual: A COLLECTION OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now