Parte cinco

10 13 1
                                    

Dylan's POV
Isa nanaman ang usap usapang namatay at rape case din! Hindi naman pwedeng yung taong pinaghihinalaan ko iyon dahil kahapon nakita ko pang sumakay siya ng taxi at si jam naman nakita ko rin kasama si Mr. Rey

Pero paano ngyare ang lahat ng iyon? Walang nakita sa cctv at nagiimbistiga narin ang mga pulis. Pero napaka galing ng taong yun matalino siya sa totoo lang! Pero kung sino man talaga siya bakit niya ginagawa ito?!

"Dylan? Hello?!" Nagulat ako nasa harap ko ang isang magandang babae na matagal ko ng gusto. Si diannara.

" Uh uh? B-bakit?!" Nauutal kong sabi.

"Kanina pa kase kita tinatawag. Eh mukhang ang layo ng iniisip mo iniisip mo rin ba yung kay jam?" Tanong niya

"Ay ganon ba? Pasensya ka na, Oo tama ka iniisip ko nga rin iyon. B-bakit mo nga pala ako tinatawag?" Tanong ko hindi ko alam bakit hanggang ngayon d ko parin masabi sakanya ang nararamdaman ko.

"Ah eh kase kagabi pumunta si steven sa bahay at---"

"Pumunta siya sa bahay niyo?! A-ano ayos ka lang ba wala ba siyang ginawa sayo?!" Bigla bigla kong tanong. Shet! Ang oa ko naman ata. Pero seryoso pumunta si steven sakanila?!? Napatingin ako sa gulat na mukha ni diannara."S-sorry hehehe..." nakakahiya baka ang iniisip na niya oa ako magreact." So bakit siya pumunta don?" Pag tutuloy ko.

"Kase nasakaniya ang notes ko sa math. Dba may take home quiz tayo hindi ko naman pwede dito gawin iyon. Kaya tinawagan ko siya buti nalang may no. ako niya.
Pinapunta ko siya sa bahay at kaya naman kita tinawag dahil ikaw ang ka close niya may tanong ako? Nasabi mo ba sakanya ang address ko? Kase hindi ko pa nasasabi ang street at lot no. Ng bahay namin alam na niya na doon ang bahay namin. Subdivision lang ang sinabi ko." Ano?!? Pano niya nalaman? Kung subdivison lang ang sinabi sakaniya ni diannara? Hindi kaya minsan na niyang inistalk si diannara?!

"Hindi wala akong nabanggit sakaniya eh. Diannnara magiingat ka saniya ha hindi mo pa siya lubos na kilala. Hindi naman sa sinasabi kong lumayo ka or anything na negative basta magiingat ka lang." napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Bigla ko naman tinanggal at napakamot na lang ng ulo.

"S-sige Dylan salamat." Nakangiting sabi niya bumalik na siya sa upuan niya kasabay non ang pagdating ni steven.

Muling lumingon saakin si Diannara at tumango na may kasamang magandang ngiti! Hayss torpe ko talaga! Pero dko parin maalis sa isip ko ang sinabi ni diannara. Paano niya nalaman ang exactong bahay ni diannara? I need to spy on him!

Maliit man ang tenga ko matalas naman kaya pinakinggan kong mabuti ang pinaguusapan nilang dalawa.

"Sorry kagabi steven ha nakatulog na pala ako sa sobrang pagod dko na namalayan." Nahihiyang sabi ni diannara.

"Ayos lang yon! Nabasa mo ba yung iniwan kong note? Psensya ka na ha? Kung d man lang kita ginising." Sagot naman ni steven. Marami pakong narinig na usapan nila tungkol sa kagabi na pag punta don ni steven pero nagseselos ako kaya hindi ko na muna pinakinggan iyon.

Maya't maya may inabot si ara kay diannara na papel. Ano kaya yun?! Bigla naman dumating si Professor jimin. Kaya agad niya yung tinago at lumingon kay ara at nag pout.

Wala akong gana makinig kaya naman nakatingin lang ako sa labas at may ibang iniisip.

"Mr. efron?!" Nagulantang ako sa biglang tawag ni Prof. jimin. Naku lagot!"What do you know about true love?and what is love for you?" Neeyy? Ano kaya naman yang tanong niya sakin! Pwede naman kaseng yung about sa planets nalang or kaya yung buhay ni jose rizal!! Halla naman!!

"Uh-uh l-love encompasses a variety of strongand positive emotional and mental states, ranging from the most sublime virtue or good habit, the deepest interpersonal affection and to the simplest pleasure." Sabi ko anu bayan nakakahiya kay diannara nakatingin siya! Anak ng tinapa!!

"Okay? That's good but in your own words what is true love for you? Have you experienced It? Do you have any girlfriend? Nor special person in your life aside from your parents?" What the? Inaasar at pinaglalaruan bako ni prof. Jimin?! Andaming tanong!! Mapapsubo ako neto takte!

"We won't undertand True love If we don't understand love. So in order to understand true love we need to understand love." Paguumpisa ko lahat sila nakatingin saakin medyo kinakabahan ako kase lalo na si diannara talagang nakiki
nig."Para sakin ang totoong pagmamahal ay hindi lang sa pagsasabi ng Iloveyou, Miss na kita, kumain ka na ba?" Natawa naman agad ang mga kaklase ko lalo na mga lalaki sa likod dahil aminadong ganon sila pero napatingin ako kay diannara na sobrang seryosong nakatitig sakin kaya naman skanya lang ako tumingin."Ehem* Kundi dapat ipinaparamdam mo rin! Pag sinabi mong mahal mo siya dapat siya lang talaga! Hindi yung copy paste lang or xerox copy lang yon dahil hindi naman talaga siya yung original na may pag mamayari ng mga salitang iyon! At dapat sabihin mo sakniya na kung hindi man siya ang una mo siya naman ang last mo ng sincere at walang halong panloloko dahil sarili mo lang mismo niloloko mo. And professor jimij you were asking me right If I have a girlfriend? Or someone that is so special to me?" I asked at tumango naman siya.
Tinignan ko siya."Girlfriend wala pa at hindi pa ako nagkakaroon hinihintay ko pa kase yung chance na yun eh. Pero merong special person sa buhay ko. Matagal ko na siyang gusto kaso isa akong malaking TORPE kaya hanggang ngayon hanggang tingin nalang ako sakanya sa malayo at pinagmamasdan ang napakaganda niyang ngiti. Yun lang salamat!" Sabi ko at umupo na. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni diannara umiwas ako ng tingin sobrang nakakahiya. Baka d ko pa inaamin talaga sakaniya ireject na niya ako!!

~~KRIIIINGGGG~~
Biglang tumunog ang bell agad naman akong nag ayos ng gamit at tumakbo. Nafeel ko pang balak ako lapitan ni diannara kaya binilisan ko na.

Pero yung Libro na hiniram ko sa library naiwan ko sa ilalim ng table ko!! Ngayon ko dapat ibabalik yon. Pumunta muna ako sa cr ng lalaki at naghintay ng mga 10 minutes bago bumalik sa room. At nung babalik nako medyo sinilip ko pa ng konti kung andun pa si diannara buti wala na.

Kinuha ko na ang libro at napatingin sa table niya andun yung paper ba inabot ni ara sakanya kanina. Binasa ko naman. BLIND DATE?!
Makikipagblind date siya?

Kailangan ko siyang sundan at baka mamaya may mangyare sakanyang masama lalo na ang blind date hindi mo kilala ang makakadate mo! Baka mamaya maniakis iyon!

Agad ako pumunta sa kotche ko at umuwi nagbihis ng all black at nag cap para d mahalata. Nagtungo nako kung saan makikipagblind date si diannara.
Nagpark ako sa ka tapat pero kabilang daan ng Black Pink restaurant.

Tinted naman ang sasakyan ko kaya ayos lang. Mga 15 munites at dumating na si diannara ang ganda niya talaga putek!! Sana panget makablind date niya kainis!

Nakasuot siya ng white fitted na pantaas at fitted din na denim na palda. Halata ang shape ng katawan. Pumasok na siya at agad nakita ang ka blind date niya. Nagulat pa siya d ko makita ang mukha dahil na katalikod. Masaya silang nag uusap at eto ako parang nasawi sinabayan pa ng malungkot na music sa radio. Mga 30 munites tumayo na sila at lumabas. Nanlaki ako mata ko ng makita kung sino ang lalaki.

Si steven.......

Tales of the unusual: A COLLECTION OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now