Nagising ako sa kalampag ng seldang kinalalagyan ko. Alam kong may pumasok dito. Alam kong may bisita ako. Kahit pa tulog ako, naririnig ko ang lahat. Bukas ang lahat ng pakiramdam ko. Dahil ito ang sandalan ko para mabuhay.
"Why are you here?" tanong ko sa kanya kahit pa nakapikit ako.
Nanahimik muna siya bago nagsalita, "This is the last one. You need to win this." seryosong pahayag niya.
Nanahimik naman ako. Alam ko. Sagot ko sa kanya ngunit sa aking isipan lamang. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Tumitig ako sa mga mata niyang maraming gustong sabihin ngunit hindi niya maisalita.
Tumayo naman ako na para bang hindi ako nakipaglaban sa kung sinu-sinong malalakas na tao nitong nakaraang buwan. Na para bang wala akong tinamong pasa, galos, sugat, at mga baling buto mula sa pakikipaglaban. Tumayo ako na para bang baliwala ang lahat nang ito kahit sa totoo pa'y pagod na pagod na ako.
Tinanguan ko siya bago ko siya lagpasan at lumabas ng selda.
Hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa akin ng ako na ang lumabas nang i-anunsiyo ang aking pangalan. Tumuntong ako sa arena na naging pamilyar na sa akin. Tiningnan ko ang mga taong naririto at nanonood sa laban namin na animo'y nanood lang ng sabong ng mga manok.
May kalalagyan rin kayong mga hayop kayo!
Tiningnan ko naman ang stage kung nasaan ang mga nakataas at yumuko ako bilang paggalang. Balang araw, papalitan ko kayong lahat. Dumiretso na ako ng tayo at tiningnan sila isa-isa. At papalitan ko ang mga baluktot niyong patakaran. Pangako 'yan!
Kasabay ng pagtigil ng tambol na nag-iingay ang pagtahimik ng buong arena. Humarap kami sa isa't isa ng aking kalaban. Kumpara sa akin, mas halata ang kanyang panghihina. Kilala ko 'to. Ito ang babaeng gustong makipagkaibigan sa 'kin unang araw pa lang. Sinong mag-aakalang makakaligtas pa siya e mukha siyang mahina? Sa bagay, huwag tayong manghuhusga ng taong gustong mabuhay.
Tumuntong na ang referee sa arena. Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko kung paano niya itaas ang puting panyo at ibaba senyales na simula na kaya naman nanumbalik ang malakas na hiyawan.
Una siyang sumugod sa 'kin. Nakita ko ang paghina ng isa niyang paa bawat paghakbang niya. Sprain.
Hinawakan ko ang kanyang leeg at kamay na nakaamba sa akin bago sipain patalikod ang paa niyang malakas. Dahilan para mahulog siya patalikod dahil hindi niya kayang itayo ng matagal ang isa niyang paa. Nagulat na lang ako ng hilain niya ang buhok ko gamit ang isa pa niyang kamay dahilan para mahulog din ako kasama niya.
Matalino. Ginamit ang mahaba kong buhok para itumba ako.
Nang pabagsak akong mahiga ay pinatungan niya ako at sinakal. Kita ko ang panggagalaiti niya at kagustuhang matapos na ang laban hanggang sa makita niya ang mukha ko sa malapitan.
"Te-teka—"
Mabilis kong binaliktad ang pwesto namin at siya naman ang pinatungan 'saka sakalin.
"In a brawl, you can't expect an enemy to let you finish what you're saying, isn't? You wanna have a pep talk? Then wait for me in hell after I finish you."
Diniinan ko ang pagkakasakal sa kanya at kita ko ang hirap niya sa paghinga. Matatapos na sana ang laban ng sumigaw ang reyna.
"STOP!"
Tumingin kaming lahat sa kanya. Lumuwag ang pagkakasakal ko sa kanya bagaman ay nakahawak pa rin sa kanyang leeg.
"This battle has ended." anunsyo niya. Marami namang nadismaya kaya naman nilibot ko ang aking paningin. Nagiging masama na ito kaya tumahimik sila.
"Meira Athena, the heiress of the Southeast empire of Marietheza, has lost the last battle for the position of next Empire's Empress to Crysthalizel Cyle Izabela, the heiress of the West empire of Schlizfer!" humiyaw ang nakakarami dahil inaasahan na ito. Mga hayop talaga. Tumayo na ako at pinagpagan ang damit. Mukha namang tanga ang tinawag nilang Athena na nanatiling nakahiga at nakatingin lamang sa taas.
"Anong arte 'yan?" Gulat siyang tumingin sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"You can speak filipino?!"
Inabot ko na lang ang kamay ko sa kanya. As the next right hand of the Empress, pinagmumukha niyang tanga ang sarili niya sa paghiga higa niya dyan.
Inabot naman niya ang kamay ko at bumangon na.
"Queen Meira Athena. Congratulations!" ngumisi ako sa kanya. Mukhang 'di pa nagsink in masyado sa kanya pero ngumiti siya ng malapad. "Empress..." nakakunot niyang pahayag. 'Di siguro malaman kung anong itatawag sa akin dahil mahaba ang pangalan ko. Lumapad lalo ang ngisi ko at hindi na dinugtungan ang sasabihin niya. Humarap na ako sa mga nakakataas at naramdaman kong pati siya ay humarap na rin. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang nakanguso. Natawa na lang ako sa aking isipan.
"As the current Empress of the whole empire, I now congratulate you two as the successors of the Empire!"
"Congratulations!" hiyaw ng lahat ng naroroon at nagpalakpakan.
Tumitig ako sa Empress at Emperor. Proud and arrogance are in their eyes. Like what parents should look at their child. I hate the situation I am in to be the cause of that look, there's a part of me that loves it. Finally, something that I did that I can be proud of. Something that I did where they can finally acknowledge me as their child.
"Izabela."
Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Pangalan lang ang sinabi niya ngunit ang lakas ng tama sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at yumuko bilang paggalang.
"Father."
Is he here to congratulate me personally? I can't help but feel giddy about it. First time 'to kapag nagkataon.
"I'll be getting straight to the point." nawala ang ngiti sa aking mukha. Tumitig ako sa mukha niya natatakpan ng maskara kaya naman mata lang ang nakikita. Malalamig ang mga ito. They are even harsh. Nakakatakot titigan.
"The council will be giving you two years as your vacation. We won't care where you'll be and what you're doing. We will give you enough money for that." napatungo ako. Ito na nga yung pinunta niya. Dapat maging masaya ka at sinasabi pa niya 'to ng personal sayo.
"But after that vacation, you need to come back here to receive the responsibility you need to carry. Is that clear?"
"Yes, father."
"Good. Pack up now and get out. The time is ticking." after that, he went out as silent as he went in here. I pursued my lips and looked at the moon above.
I definitely deserve this vacation.
-
Taylor Hill as Crysthalizel Cyle Izabela SchlizferChou Tzuyu as Meira Athena Marietheza
BINABASA MO ANG
The Empress
AkcjaIzabela is not your ordinary girl not until she was given two years of freedom away from her country, her family's grasps, from the privilege of being an heiress, and being monitored by the 'eyes' of the council. Pumunta siyang Pilipinas para hanapi...