CHAPTER 4

3 0 0
                                        

Chapter 4: Girls

"Pero sana bumalik ka man lang... para alalayan ako..."

I am right! Simula't sapul ako ang tama. Walang mali sa mga dahilan at mga hinaing ko. He's so annoying. How can he talk to me like that? He is just my body guard! Wala akong ma gets sa mga balikukong dahilan niya ngayon! Do I need to fire him?

Tutop ang bibig ko at tanging ang mga kilay ko na lamang ang nagpapakita na may galit ako. Hindi kami nagpapansinang dalawa at kahit katiting na lingunan ay wala din. Ang mga mata ko ay sa kalsada lamang nakatuon.

Nagpupuyos ako nang marating na namin ang parking lot. Hindi ako lumingon sa kaniya at padabog kong sinara ang pintuan ng sasakyan.

Gumuhit ang kirot sa paa ko nang maitapak ko na ito sa sementadong lapag. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sakit. Napatingin ako doo. Napaawang ang bibig ko dahil sa dugong nagmantsa sa puti kong balat sa paa.

Napakapit ako sa side mirror at unti-unting inangat ang ang paa kong dumudugo na. Napansin kong lumapit si Pleix sa 'kin at walang emosyong inilahad ang mga kamay niya sa 'kin. Ilang sadali ko lamang iyong tinitigan. I hate how the boredom is insculped on his expression.

"I can do this by myself... No, thanks."

Nagsimula na akong humakbang, mabagal. Bawat abante ng paa ko ay nagdudulot ng kakaibang sakit. Sakit na nagpapahina kaya hindi ko na nakaya, tuluyan na akong bumagsak. Masakit!

Sunod sunod na mura ang lumabas sa bibig ko. Hinampas ko ang hawak kong pitaka sa lapag.

"Hindi na kasi kaya... pinipilit pa." Narinig kong bulalas niya

I glared at him. Sino siya para mag salita ng ganoon?! He's not the boss here! Wala pa akong nakikilalang tao na nagbibiro kahit na alam na inis na inis na ako! Even my family and my friends.

"What-"

Instantly, he got hold of my waist and my wrist. Buong akala ko ay iyon lang ang gagawin niya pero laking gulat ko nang isabit niya ang kamay ko sa batok niya matapos ay binuhat ako!

"Humawak ka, Miss Eliza..." sabi niya.

Napatitig ako sa mga mata na parang may pinapaalala pero hindi ko alam kung saan nakita ang mga iyon. I noticed how beautiful they are. Even how firm his deltoid were.

Ang lahat ng galit at pagka irita ko kanina ay nawala. Naging panatag ako sa pagkakabuhat niya. Ayoko mang aminin pero nagustuhan ko kung nasaan ako ngayon.

Ibinaba na niya ako at inalalayang makaupo sa kama ko. Sabay na napababa ang tingin namin sa paa kong nahinto na ang pagdugo. Dahan dahan niyang inangat ang paa ko at tinanggal ang heels na suot ko.

"Pleix!" Sigaw ko.

Sumayad ang sugat ko. Nahampas ko siya sa braso dahil sa sakit. Napangisi lang siya sabay iling. Matalim ko siyang binalingan ng tingin pero binalewala niya lang iyon.

"Bakit ka ba napaltos?" He asked.

Gusto kong isumbat ang lahat sa kaniya. Gusto kong sabihin na wala siyang kwenta, na iniwan niya lang ako doon at pinabayaan pero t'wing maaalala ko ang ginawa niya nitong huli... wala na akong masabi.

Nilingon niya ako. "Sira ang elevator, lahat..." tumaas ang kaliwang kilay niya.

"Ayos pa kanina 'yon noong dumaan ako. Huwag mong sabihin na sa hagdan ka dumaan?" Medyo tumaas na ang tono niya.

"Y-yes."

"Oh, fuck."

Nagulantang ako nang tumabi siya sa 'kin sa pagkakaupo. Hinagit niya ako at biglang niyakap. Literal akong napanganga sa ginawa niya. I'm not expecting him doing this dahil lang nalaman niya na sa hagdan ako dumaan dahil nasira ang mga elevator. Damn! Bakit ba siya ganito?

Captivating LoveWhere stories live. Discover now