Tahimik.
Hindi ako yung tipo ng tao na malamig ang pakikitungo sa kapwa, Ngunit iwas ako sa bawat tao na aking makakasalamuha—Ni wala akong kaibigan kahit isa.
Sa labing-pito na paninirahan ko sa mundong ito, sanay na ako sa araw-araw na sumpa ng aking buhay—sa totoo lang nakakapagod.
Normal akong tao, may nararamdaman ko—natural din lang siguro sa isang babae ang magkagusto sa isang lalaki kasi ako kahit papaano meron akong nagugustuhan sobrang gusto.
Siguro sa mata niya hindi rin naman ako nageexist, sabi nga nila kapag alam mong 'out of your league' tigilan mo na.
Naramdaman ko namang nagvibrate ang cellphone ko kaya sandali akong huminto sa may gilid ng hallway ng school ko at tiningnan ang message.
From;; Papa
Mamaya kailangan may dala ka na pagdating rito
Napangisi ako sa nabasa ko, binuksan ko naman ang bag ko at kinuha roon ang jacket ko at sumbero, sinuot ko na rin yun habang palabas ng school.
Nakasalubong ko naman siya, yung taong gusto ko, sanay na ako na magtatama ang mata namin wala namang bago isa lang akong estranghero kapag nakikita niya—pagkatapos mangyari yung kahihiyan na ginawa ko panahon na nagaaral pa lang ako sa hayskul.
"Eros gusto kita"sambit ko, napayuko naman ako sa harap niya dahil nakakahiya
"Seira Hindi ako yung dapat na ginugusto mo"seryoso niyang sagot, napatingin ako sa kanya
"Pasensya ka na pero I don't take commitment, let's just be friends"
Yung sinasabi niyang friends?—ayun makalipas ang hayskul na buhay naging estranghero na lang ang isa't isa. Isa sa mga bagay kaya ayaw ko ring mapalapit sa mga tao.
Isa pa hindi rin naman nila ako tatanggapin dahil sa estado ng buhay ko.
Lumabas na ako sa may gate at tumungo sa may store, panigurado ang unang hahanapin sa bahay pagkain. Biruin mo yun nasisikmura niyang kumain ng hindi naman dapat sa amin.
Walang masyadong cctv kaya medyo madali ang pagkuha, niyuko ko bahagya ang ulo ko at dahan-dahang inilagay ang ibang pagkain sa itim kong bag—kukunin ko pa sana ang isa ng may biglang humawak sa kamay ko na aking ikinagulat.
Agad-agad niya akong hinila sa counter
"Babayaran ko na ito"sambit niya sa cashier at binigay ang pera—agad kong hinablot ang bag ko at dumiretsyo na sa labas.
Naramdaman ko namang lumabas na rin siya mula sa loob, napahilamos ako ng mukha ko.
"Seira—you're from my department right?"tanong niya, napangisi ako—kahit gusto ko siya 'di siya pwedeng umeksena sa buhol buhol kong buhay.
"Parang di mo ko kilala ah"pamimilosopo ko sa kanya, Akmang aalis na ulit ako ng nagsalita siya
"Ano sa tingin mo yung ginawa mo kanina?"napataray ako sa kawalan, bakit ba siya nakikialam?
"Nagnakaw, obvious ba?"muli kong pamimilosopo—nakita na rin niya alangan magsinungaling pa ako—Maaring gusto ko siya pero hindi ko kailanman pinangarap na magugustuhan niya ako kaya ayos lang din kung mandiri siya at magiba ang tingin sa katulad ko—isang magnanakaw.
"Aalis na ako, salamat"sambit ko at umalis na
Nakakabagot ang araw na toh.
———
"Ano baang pumasok sa kokote mo seira at nagpahuli ka!"bulyaw sa akin ng tatay ko, nanatili akong nakayuko.
"Hindi ako nagpahuli pa, nahuli ako"mahina kong sagot—naramdaman ko naman ang maiinit niyang palad sa pisngi ko
"Kahit kailan talaga at palpak ka!"sambit niya at tinapon sa mukha ko ang mga nakuha ko kanina
Hinawakan niya ang kwelyo ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin
"Kapag ikaw nakulong at idinamay mo ako papatayin kita"sambit niya, nanatiling seryoso ang mukha ko—kahit natatakot na ako.
"Patayin mo na ako ngayon pa, para matapos na yung sumpa ko"sambit ko, dahil sa inis binalibag ako ni papa sa may pader
Masakit pero mas masakit yung puso ko.
"Makalayas muna sa bahay na ito!"sambit niya at lumayas muna ng bahay, napaupo naman akl sa sahig.
Walang sino man ang nakakakita ng kahinaan ko, pero yung totoo lahat ay ang kahinaan ko—naramdaman ko na lang na may likidong tumulo mula sa mga mata ko at sumunod na roon ang lungkot ng mga mahinang hikbi ko.
Kinabukasan.
Sanay na ako na araw-araw madadagdagan ang pasa ko, paika-ika akong lumakad patungo sa klasrum ko, pinagtitinginan na nga ako ng ibang estudyante ngunit wala naman talaga akong pake sakanila.
Pagpasok ko pa lang sa room pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko, seryosong mukha lamang ang ipinakita ko, dumiretsyo akong paika-ika sa may upuan ko.
"Ms. Salvador meet me at the guidance office later after my class"sambit sa akin ni mam, tumango na lamang ako bilang sagot
Nagpatuloy si mam sa pagtuturo—sinubukan kong makinig ngunit may mga oras na sumasakit ang katawan ko kaya hindi ko matuon ang pansin ko sa ibang lesson.
Hindi rin naman nagtagal natapos na ang klase sinenyasan ako ni mam na sumunod na sa kanya kaya agad na akong sumunod.
Nagtungo kami sa guidance at pagkarating roon ay pinaupo ako ni mam sa harap niya
"Alam kong wala ako sa lugar upang itanong sa iyo toh Ms. Salvador pero may problema ba?"unang bungad sa akin ni mam, yumuko ako at 'di umimik
"Mr. Escorial tell me that maybe you need our guide"
Si Eros na naman?—kahapon lang naman kami nagusap at hindi naman kami magkaibigan, bakit ba pilit siyang pumapasok sa magulo kong buhay?
"Pasensya na ho mam pero aalis na ako"paalam ko at agad umalis, nahagip naman ng mata ko si Eros kaya agad ko siyang nilapitan
"Magusap tayo"sambit ko, agad naman siyang sumunod sa akin, huminga ako ng malalim
"Bakit ka ba nakikialam? At ano ang sinabi mo kay mam?"sambit ko, nakapamilsa siya
"Sa tingin mo maayos ang buhay mo kapag patuloy mong ginagawa yan?"seryoso niyang tanong sa akin
"Bakit mo ba ginagawa toh? Para mahulog ulit ako—umiwas ka na Eros"seryoso ko ring sagot
"Hindi kita pinapahulog sa akin, gusto kitang tulungan"
"Ano ba Eros? Hindi ko kailangan ng tulong mo"
Napahilamos na lamang ako ng mukha ko, nababagot na talaga ako
"Bakit ba ang galing mong magnakaw ng hindi naman sa'yo"
"Yun na nga eh ang galing ko magnakaw, pero hindi ko manakaw-nakaw yang puso mo"
BINABASA MO ANG
Magnanakaw
HumorSeira is a professional 'Magnanakaw' pero kung ano pa ang bagay na dapat niyang manakawnkaw ay hindi niya manakaw ang puso ng taong gusto niya.