Napapikit ako ng marahan.
Bakit ko ba sinabi sa kanya yun kanina?!
Nagtalukbong ako ng kumot, minsan talaga wala na rin sa wisyo ang utak ko
"Seira!"
Napabalikwas naman ako ng bangon ng marinig si papa, agad-agad akong bumaba at nakita na naman ang galit sa kanyang mukha
"Bakit wala pang pagkain rito?!"sigaw niya sa akin, napalunok ako pero nanatiling seryoso ang aking mukha
"Hindi pa ako nakakaluto pa ng pagkain"sagot ko, akmang susugurin na niya ako—ng may biglang kumatok sa pintuan
Agad naman yung binuksa ni papa at nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko si Eros, pinanlakihan ko naman siya ng mata pero hindi siya natinag
"Sino ka?"matigas na tanong ni papa, ngumiti naman si Eros
"Kaibigan po ako ni Seira, nagdala po ako ng mga pagkain"sagot ni Eros
Nakita ko ang pag-ngiti ni papa, alam ko na ang pumapasok sa isip na ito, Lumapit naman sa akin si papa at bumulong
"Isyota mo na ang lalaking ito mukhang mayaman"
Napapikit ako ng marahan, gawin ko na yun sa lahat ng tao wag lang sa kanya.
"Umupo ka iho"
Umupo naman si Eros, ihinanda ni papa ang mga pagkain, inihanda ko rin ang mga lalagyan
Nagulat ako ng hatakin ni Eros ang braso ko at tiningnan ang sugat ko roon, hihilahin ko na sana pabalik ang braso ko ng pigilan niya.
"Ang lalim ng sugat mo, anong nangyari dito?"tanong niya, napataray ako
"Ay naku! Si Seira kasi may pagka di maingat kaya nasugatan siya"sabat ni papa, sinungaling.
May kinuha naman si Eros sa bag niya at nilagyan ng kung ano ang sugat ko pagkatapos ay binendahan. Binitawan naman na niya ang braso ko.
———
Hinatid ko si Eros palabas, walang imikan pero may plano akong kausapin siya
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo Eros?"tanong ko, humarap naman siya sa akin
"Tinutulungan ka"maikling sagot niya, napapikit ako ng marahan
"Alam mo hiniling ko na sana iba na lang yung nakakita sa akin nung nagnakaw ako, kasi hindi mo naman pakikialaman ang buhay ko diba?—kung di mo nakita yun?"tanong ko, nakatingin lang siya sa akin ng seryoso
"I'm trying to make it up to you for the past 2 years—gusto ko makita ulit yung dating Seira na palatawa at walang pakialam sa paligid niya"napangisi naman ako sa sinabi niya
"Iba na ako ngayon Eros, ibang-iba na"sagot ko sa kanya
"Kaya nga andito ako para ibalik ka kung sino ka talaga"seryoso niya ring sambit
Ayokong umiyak
"Umalis ka na"
Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko, naglakad na rin ako pabalik sa bahay namin, pagpasok ko sa bahay sumalubong sa akin ang mukha ni papa
"May plano ka na ba para sa lalaking yun?"tanong ni papa, tumingin naman ako sa kanya
"Hindi ko kailanman gagawin yung pinapagawa mo pa, Kasi una't huli pa lang hindi naman ako dapat ganto ginawa mo lang akong ganito"sagot ko, nakita ko naman ang muling paglisik ng mga mata niya
Napapikit naman ako ng naramdaman ko ang suntok ni papa kaya napatumba ako
"Ginagawa ko yun para mabuhay tayo!"sigaw niya, napangisi naman ako
"Para mabuhay tayo? O para mabuhay ka pa?"tanong ko, nanubig na rin ang mga mata ko, na si papa lang ang laging nakakakita
"ta—— kang bata ka!"sambit niya at itinapon ang baso banda sa akin sanhi para masugatan ang leeg ko, napahawak naman ako roon
"Umalis ka muna sa harapan ko!"sambit ni papa, agad naman akong umalis ng bahay, tumutulo ang mga luha ko agad ko itong pinunasan ng wala ng makakita
Pumasok ako sa mercury, bumili ako ng band-aid at iba pang gamot sa sugat, tiningnan ko ang pera ko
Trenta lang
Nilapag ko na lamang ang mga kinuha ko at lumabas na, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon
Nakakita naman ako ng maliit na kubo
Baka roon muna ako magpapalipas ng buhay
———
Madaling araw pa lamang ngayon, Kinuha ko sa bahay ang uniporme ko—tulog pa siguro si papa
Agad naman akong umalis, mananatili muna ako sa may maliit na kubo—uuwi na rin ako mamaya
———
Maaga akong pumasok, medyo tuyo na ang sugat ko sa leeg kaya tinakpan ko na lamang ito ng buhok ko na hanggang balikat
Pagpasok ko ng room walang guro.
"Yeheyy! Vacant daw tayo ngayon"sigawan ang mga kaklase ko kaya nagsialisan na ang lahat sa romm habang ako nanatili lang rito
Sinalampak ko ang headset sa tenga ko at ipinikit ang mga mata ko
Nakakapagod.
BINABASA MO ANG
Magnanakaw
HumorSeira is a professional 'Magnanakaw' pero kung ano pa ang bagay na dapat niyang manakawnkaw ay hindi niya manakaw ang puso ng taong gusto niya.