A

2 0 0
                                    

Umupo kami ni Eros sa kwarto ko sa dorm, napatingin naman ako sa palad ko na nakahawak sa tagiliran

Dugo

Tumayo ako para sana hugasan yun pero agad hinila ni Eros ang braso ko

"Saan ka na naman pupunta?"tanong niya, kumunot naman ang noo niya ng makita ang tagiliran ko

Nagdudugo

Napaupo naman ako dahil nanghihina na rin ang katawan ko, nagulat ako ng akmang itataas ni Eros ng bahagya ang damit ko kaya agad kong hinawaka  ang kamay niya

"Let me see it Seira"matigas niyang sabi sa akin, binitawan ko ang kamay niya at tinaas niya ng bahagya ang damit ko at nakita niya na nagdudugo na iyun

"Sh*t!—bakit may sugat ka rito?!"sambit niya, napayuko ako, nagulat ako ng buhatin niya ako at pinaupo sa kama

"Stay still, tatawagan ko si mam"sambit niya kaya tumango na lamang ako

———

Nalagyan na ni mam ng benda ang sugat ko sa tagiliran, Iniwanan ako saglit ni mam kaya nanatili lamg akong naka-upo sa kama—sinabi na rin ni mam na sasabihan niya si Carlo

Napatingin naman agad ako ng may pumasok sa pinto

Si Eros

Nagulat ako ng lumapit siya sa mukha ko, tinitingnan niya ang sugat ko sa may pisngi, ang bilis ng tibok ng puso ko dahil napakalapit ng mukha niya sa akin

Hindi ako makahinga ng maayos

Nilagyan naman niya yun ng skintone na band-aid at lumayo na siya sa mukha ko syaka ako nakahinga ng maluwag

Akmang gagamutin niya na rin ang sugat ko sa braso ng ilayo ko yun sa kanya

"Ano, ako na ang maggagamot ng sugat ko"sambit ko, tumingin naman siya sa akin ng seryoso at nilapag ang mga gamot at umalis na

Hindi man lang niya ako pinigilan

———

Nakapajama na ako at maluwang ng t-shirt, sinuot ko ang jacket ko at pumunta sa may terrace

Napahawak ako sa tubig na nanggaling sa mata ko, umiyak ako ng mahina

nakakainis ka Eros!

Pinipigilan ko ang bawat paghikbi dahil baka marinig ng nasa mga loob, ito lang naman yung oras na pwede kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko, kapag mag-isa ako

"Do you think I won't notice it? That even how much you keep your emotion you can never lie to me Seira"nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod, agad kong pinunasan ang luha ko

"Kung napansin mo bakit hindi mo man lang ako nilapitan?"mahina kong sambit sapat na para marinig niya—nanatili lang akong nakatalikod kay Eros

"You told me to get out to your life right?"sambit niya, napalunok naman ako

"Yet you did it, hindi man lang ba pumasok sa isip mo na may dahilan bakit ko ginawa yun?"

"Tinanong kita kung bakit, but you refused to tell me the truth Seira—didn't you know kung paano mo ako nasaktan sa sinabi mong hinuhulog lang kita sa bihag ko?"

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, akmang aalis na ako at lalagpasan na siya ng hawakan niya braso

"You're going to leave again? Tatakbuhan mo na naman yung dapat mong harapin"

Napapikit ako ng marahan habang lumuluha, masyado ng masakit sa puso

"Alam mo yung nararamdaman ko para sayo diba? Ang daya naman kung ako lang yung nahuhulog at ikaw pinipilit lang ang sarili na mahulog sa akin, Paano ako hindi matatakot? Na baka pag bumalik lahat sa dati mawala ka na naman sa akin"

"Who said that I'm just forcing myself to fall for you?, If you only knew how much I'm falling everytime I'm with you, I may not love you now pero hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto mo sa akin"

Nagulat ako ng bigla niyang halikan banda mata ko, habang umiiyak ako—sunod kong nalaman yakap-yakap na niya ako

"Pag sinabi kong umalis ka pwede bang wag ka na ulit umalis—kasi minsan ang gulo lang ng nararamdaman ko"

"I wont Seira, I wont leave again"

MagnanakawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon