Masaya ako.
Hindi pa man dumadating sa punto na mamahalin ako ni Eros alam ko na mahalaga na ako sa kanya at nasabi ko na ang nararamdaman ko
Ang sarap lang sa pakiramdam
"Seira"
Napalingon naman ako sa tumawag s akin, halos manlaki ang mata ko ng paglingon ko napakalapit ng mukha ni Eros sa akin, ngumiti naman si Eros
"Goodmorning lady"sambit niya, hindi naman ako makatingin ng diretsyo sa kanya
"Goodmorning"balik bati ko, nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko
"Can I get a morning kiss?"namula naman ako sa sinabi niya kaya tumalikod ako, Narinig ko siyang tumawa kaya napangiti na lang ako ng palihim
Kaso biglang pumasok sa isip ko si Kristeen
"I hate you"bigla kong sabi sa kanya kaya natanggal ang ngiti sa labi niya, nakatingin siya sa akin na parang nagtatanong bakit
"Puntahan mo na si Kristeen"sabi ko, umiwas naman ako ng tinggin sa kanya
"Nagseselos ka ba?"
"Oo"
Natigilan siya sa naging sagot ko, nakita ko ang pamumula ng tenga niya
Kinikilig ba siya?
"Don't be like that Seira, I might freak out, pinapabilis mo ang tibok ng puso ko"sambit niya, kaya agad ako tumingin sa kanya
"ako lang ang pwedeng magpatibok niyan"seryoso kong sambit, kinuha naman niya ang kamay ko at nilagau iyun sa kanang dibdib niya
"Can you feel it? It only beats for you"
———
Kinikilig ako.
Normal lang din naman siguro ang makaramdam ng ganitong pakiramdam dahil tao rin naman ako
Pumasok naman sa kwarto ko si mam, nakatingin siya ng direstyo sa akin, bigla akong kinabahan
"May kakausap daw sayo Seira"
Agad naman akong bumaba at inabot sa akin ni mam ang telepono
"Hello ito na ba si Seira?"sambit ng nasa kabilang linya, boses ng babae
"Ako na nga po, sino po kayo?"tanong ko, narinig ko naman na huminga ng malalim ang nasa may kabilang linya
"Ang papa mo iha..."
"Ano po nangyari kay papa?"
Sandaling tumigil ang mundo ko ng marinig ang sagot niya sa nangyari kay papa
"Namatay siya iha, dead on arrival"
———
Nagkulong lamang ako sa kwart ko.
Mahina akong humihikbi habang nakasandal sa may pintuan, nakahawak ako sa dibdib ko
Ayaw ko kay papa, siya na ata ang taong kinamumuhian ko sa buong mundo ganunpaman, mahal ko siya
Si papa lamang ang tumanggap sa akin noong maayos pa ang aming buhay nasira lang ang lahat ng umalis si mama ng biglaan at nagising na lang kami isang umaga wala na siya
Habang tumatagal lumalakas ang mga hikbi ko, napayakap na lamang ako sa tuhod ko
"Seira let me come in"
Ayoko. Ayokong marinig ang boses nila lalo na ang boses ni Eros pakiramdam ko napakahina ko ngayon
"Leave!"
Sigaw ko habang umiiyak, isa akong basura ngayon na pwede ng itapon, sobrang sakit
"I wont leave Seira—I promise you remember? Na kahit sabihin mo na umalis ako hinding-hindi ako aalis sa tabi mo"sambit niya na mas lalo lang nakapanghina sa akin, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko siya, agad niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap
"Gusto kong maglaho Eros"mahina kong sabi, mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin
"Just let your heart out Seira I will always be here for you"
———
Maga at mugto ang mga mata ko, madaling araw ngayon at dinala ako ni Eros sa malawak na lugar at pwedeng sumigaw ang lahat ng nararamdaman
"Isigaw mo lang Seira magiging okay din ang lahat"
Pumikit ako ng marahan at nagsimulang sumigaw
"Nakakainis ka papa!"
"Nakakainis ka na kahit napakarahas mo sa akin mahal pa rin kita, na kahit kinamumihian kita papa ikaw ang kauna-unahang lalaki na tinanggap ko sa puso ko"
"Lagi kang may puwang sa akin papa kahit araw-araw sinasaktan mo ako, Tas mawawala ka na lang? Bakit mo naman ako iniwan?!"
Napaupo na lamang ako, masyado ng masakit yung nararamdaman ko, pero kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko
"Seira basahin mo toh, I'll explain it to you later"
Kinuha ko ang papel sa kamay ni Eros at nagsimulang basahin iyun
Anak,
Alam kong napakagago kong tatay, inilagay kita sa buhay na hindi mo naman talaga gusto. Simula ng umalis ang mama mo lahat ng puot ko napunta sa'yo kaya nagpapatawad ako anak
Nung oras na pinanganak ka, ako ang pinakamasaya na tatay sa buong mundo, hindi mo man naramdaman at nakita, anak mahal na mahal ka ni papa
Kung mawawala man ako at mabasa mo ito wag mong kalilimutan na hindi ang ibang tao ang magdidikta ng buhaymo kungdi ang sarili mo
Wag mong hayaan na gawin sayo ng ibang tao ang ginawa ko sa buhay mo.
Mahal na mahal kita anak.
Nagpapatawad,
PapaMahal rin kita papa.
BINABASA MO ANG
Magnanakaw
HumorSeira is a professional 'Magnanakaw' pero kung ano pa ang bagay na dapat niyang manakawnkaw ay hindi niya manakaw ang puso ng taong gusto niya.