N

4 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng school, kakatapos lang ng klase nain at break time namin ngayon kaya dumiretsyo na ako dito, napaisip pang ako ng malalim

Simula nung nahuli ako ni Eros na magnakaw hindi pa ako nakakanakaw simula nun

Ang sarap din pala sa pakiramdam na pansamantalang natigil ang ayokong gawin, napahinga naman ako ng malalim

"Seira"

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya na tumatawag sa pangalan ko, limingon naman ako sa kanya

"You really love quiet places"sambit ni Eros, hindi na lamang ako umimik may dala-dala siyang gitara ngayon

"I just wrote another song, gusto mong pakinggan?"tanong niya, hindi ako sumasagot

Kahit gusto ko talagang marinig yung boses niya...

"Well I'll take that as a yes"

Nagsimula siyang tipain ang gitara habang ako ay nakikinig lang

"You're really beautiful everytime I stare at you
With those eyes that get me from the blue
You might think that you're not special but you mean tge world to me
It seems like you don't understand that I just want to make you see

Baby your flaws is all perfect to me
And if you smile I just feel like I'm falling deeper, maybe
Baby maybe I look like a fool
and I can't rule
But baby I'm the man who's inlove with you~~~"

Nakatitig lamang ako sa kanya, natauhan naman ako ng ngumiti siya sa akin

nakakainis...bakit pakiramdam ko mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya

"Ang ganda nung kanta"maikling sabi ko mas lalo namang lumawak ang ngiti niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko

"Talaga?...salamat Seira"sambit niya, tumango naman ako

"Can I see your smile?"namula naman ako dahil sa sinabi niya kaya tumalikod na lamang ako

"Pasensya ka na, I just miss how your smile is so genuine"

———

Pag-uwi ko sa bahay sumalubong na agad sa akin si papa seryoso ang mukha niya, pumasok ako sa loob ng bigla siyang nagsalita

"Layuan mo na ang Eros na yun"sambit niya na ikinakunot ng noo ko kaya agad akong tumingin sa kanya

"Kailangan na natin makanakaw ulit bukas at kung patuloy kang lalapit sa lalaking yun tingin mo uunlad ang buhay mo"sambit niya

"Pag nagnanakaw ba ako umuunlad ang buhay natin?"makahulugan kong tanong kaya napatigil siya

"Sinasabi ko sayo Seira, tingin mo ba kakaibiganin ka ng katulad nun kung wala yung pakay sa'yo maari ka niyang isumbong sa pulis at pwede ka pang mamatay baka kaya ka niya kinakaibigan para sumuko ka na"sambit ni papa at ngumisi sa akin, napalunok ako

"Hindi mo siya kilala pa"

"Sa mundong ginagalawan natin Seira tanggapin mo na walang sino man ang mamahalin tayo!"sigaw niya

"Kaya pala kahit ikaw hindi ako kayang tanggapin bilang anak!"

———

Ayoko.

Ayokong gawin yung sinasabi ni papa pero alam ko na kapag pinagpatuloy ko pa ito ay mapapahamak na siya.

I texted Eros. Alam kong pwede siyang masaktan sa gagawin ko pero ito na lang siguro ang nararapat gawin

Ang palayuin siya sa akin.


MagnanakawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon