Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko agad si papa, agad akong umupo sa kama ko ng maramdaman ko ang mainit na palad ni papa sa pisngi ko
"Bobo ka bang babae ka! Gusto mo bang mamatay!"sambit niya, hindi lamang ako sumasagot
"Nalagyan na ng benda yang sugat mo, Nabalitaan ko na pupunta daw kayo ng tondo puntahan mo ang tito mo roon alam mo yun sabihin mo hinihingi ko na yung pera"sambit niya
Alam ko na ang tinutukoy niya.
"Mabuti naman at iniwasan mo na si Eros"
"Mahal ko siya"
Kumunot ang noo ni papa sa sinabi ko, alam kong hindi niya naintindihan ang pag-sagot ko ng ganoon ng bigla-bigla na lang
"Gumising ka Seira walang maganda na maidudulot yang pagmamahal na yan"sambit niya at lumabas ng kwarto ko, niyakap ko na lamang ang mga tuhod ko at nagsimulang umiyak
Mahal na mahal kita Eros kung alam mo lang.
———
Ngayon ang alis namin patungong tondo, mula sa marikina hanggang doon kaya ginamit na lamang ang bus ng school
Magkatabi si Eros at kristeen sa upuan habang tabi naman kami ni Carlo, sinabi ni mam na ang mga partner namin ay makakasama namin magexplore mamaya mabuti daw na may lalaki kaming kasama.
But I don't feel safe with Carlo
"Seira"
Napa-kunot noo naman ako ng tawagin ako ni Carlo kaya humarap ako sa kanya
"Ang ganda mo"
Malandi.
"Tigilan mo ako Carlo"
"Ang ganda mo magnakaw"nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko
"Huh?"
"Ang ganda mo magnakaw ng puso"
Napahinga naman ako ng malalim, akala ko alam niya na.
———
"Seira, seira"
Naramdaman ko naman na may yumuyugyog sa akin, kaya agad ko ng minulat ang mata ko at nakita si Carlo
"Nandito na tayo"sambit niya, kinusot ko ang mata ko at sabay-sabay na kaming lumabas ng bus, hinanap agad ng mata ko si Eros, nakangiti siya habang kasama si Kristeen.
Sinundan lang namin si mam, tutuloy muna kami sa isang dorm dito, ng makapasok kami inilapag ko muna ang gamit ko at umupo ng saglit, pinagtipon-tipon muna kami ni mam na mga estudyante
"Pwede na kayo mag-gala basta wag lang lalayo sa street na ito, Yung mga lalaking partner niyo dumikit lang kayo roon"ssambit ni mam, tumango naman ang mga estudyante
May kukunin pa ako kay tito.
Agad na akong tumayo at naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Carlo
"Seira"tawag niya sa akin kaya agad akong humarap sa kanya
"Kaya mo nan sarili mo diba? May pupuntahan kasi ako"sambit niya
"Sige"sagot ko na lamang, kahit hindi ko talaga kaya yung sarili ko
Tumakbo ako papunta kung nasaan si tito, sinabi na rin naman sa akin ni papa pero lalayo ako sa may dorm na pansamantalang tutuluyan namin
Pumasok ako sa isang eskinita, nagtinginan sa akin ang mga tao na hindi ko na lamang pinansin, ng nasa tapat na ako ng bahay ni tito ay ngumiti si tito sa akin
"Andito ka na pala"
"Kukunin na raw po ni papa yung pera"seryoso kong sambit, ngumisi naman siya sa akin at nagulat ako ng hawakan niya ang aking bewang
"Pwede bang matikman ka muna?"nnagulat ako sa tinanong niya kaya agad akong tumakbo ngunit hinawakan ng ibang tambay ang kamay ko, nagpumiglas ako—natigilan ako ng may nagbasag ng bote malapit sa gilid ng mukha ko sanhi para masugatan ang pisngi ko
"Bitawan niyo ako!"sigaw ko, lumapit naman sa akin si tito, hinaplos niya ang mukha ko kaya iniwas ko yun
"Nakakadiri ka"matigas kong sambit sa kanya, akmang hahalikan niya ako ng sipain ko siya at sinuntok ng mga lalaki ang tiyan ko kaya napaupo ako
"Matapang kang babae ka ah!"sambit ni tito at sinampal ako, masyadong malakas ang pwersa nila, nakakapanghina
Itinayo ako ni tito at hinawakan ang kwelyo ko
"Ano magpupumiglas ka pa?"tanong niya, ngumisi ako sa kanya at dinuraan ang mukha nuya kaya binalibag niya ako sa pader at tumama ang braso ko sa ilang bubog, napahawak ako sa tagiliran ko, yung saksak ko roon
Akmang sasampalin pa ako ni tito ng may naramdaman akong nagkagulo, nagulat ako ng makita ko si Eros na kinakalaban si Tito
"Aba't! Sino kang bata ka!"
Sinuntok naman ni Eros ang iba pang lalaki at sinipa, napatumba naman si tito ng suntukin siya ni Eros ng napakalakas, agad kinuha ni Eros ang kamay ko at agad kaming tumakbo palayo roon—Nanatili lang akong nakahawak sa tagiliran ko
"Eros"mahina kong sambit dahil nanghihina na rin ang katawan ko
"Why the hell you went to that place?!"sigaw niya sa mukha ko, napapikit na lang ako
Umiiyak na ako.
"N-natatakot a-ko Eros"mautal-utal kong sambit sa kanya
"How can I get out to your life if you're being like this"
BINABASA MO ANG
Magnanakaw
HumorSeira is a professional 'Magnanakaw' pero kung ano pa ang bagay na dapat niyang manakawnkaw ay hindi niya manakaw ang puso ng taong gusto niya.