Conyo Girl and Fine Dining

12 1 0
                                    

Wassap ya'll?! Kamusta naman ang pagkaen nyo? Minsan kailangan din natin i-treat ang sarili natin, ya know? Treat yo'self!!!

Imagine, todo trabaho ka tas , may drama pa sa bahay. Paano mo inii-splurge yung sarili mo?

Kasama naman talaga sa buhay ang pagkaen. Lalo na kung nagtatrabaho naman sya at kumikita ng pera at halos 60% ng sweldo nya ubos na after 1 day mula noong nag pay-day.

Kasi, gaano ba kayo kadalas kumaen sa labas? Tuwing sewldo? Once a month? Once in a blue moon? Gaano ba kadalas ang minsan? (OPM Bars. Wut? Fliptop reference)

At ano ba ang maituturing mo na: kumaen ako sa "labas"?

Himayin natin yung mga pagpipiliian at kung may na-kaligtaan ako, paki comment.

1. Literal.
As in: na-Ompong kayo, tapos walang kuryente, naka candle light ang lamesa, at sa labas naka pwesto yung hapag kasi nadelubyo yung loob ng bahay (wag naman sana). Siguro kung sa isang virgin island sa Palawan yun, at walang kuryente, pero fresh na fresh yung kinaen nyong food... Ay. Ibaaaa. Payaman! POWER! Wooh! Pero kung sa Quiapo ka kumaen ng candle-light-dinner nyo with family and friend a.k.a. ipis at daga, which, wag naman sana, PERO kung ganun nga; tiwala lang bess. The fact na: nandito ka sa chapter na to, tumambay tambay ka dito, at pansamantalang nagpa-agos ka sa libro na to kaysa dun ka napunta sa erotica side ng wattpad... Meaning nyan ka-conyo, may pag asa ka pa sa buhay. Di pa huli ang lahat. Kung hindi ka man pinagbigyan ng jowa mo; wag mong ipagpalit agad sa iba pagbibigyan ka... Makakarating kayo jan at napaguusapan naman yan. Isipin mo na lang na, baka lunod na lunod ka na sa erotica section ng wattpad kung dun ka tumatambay. Naku iho/iha makakabuo ka agad ng baby ng di oras.

Moving on!..

2. Accidental.
As in: neevvveeer, kayong gumastos ng pagkaen sa labas, bukod sa grocery o department store. Nagkaka chance lang kayo mag eat-all-you-can or mag fast-food restaurant, kapag may manlilibre. Minsan deal breaker pa yung hindi libre yung pamasahe. Minsan may kasama ring "business opportunity" para daw magka "financial freedom" ka. Grabe. Nalibre ka na nga, magiging financially educated ka pa daw! Panu ka naman makaka tanggi doon?! Mahabang usapan yun na sa ibang chapter ko na lang tatalakayin if di nyo pa magets dito.

3. Maya.
As in: maya't maya kumakaen sa labas. Walang masama dun basta ba hindi mo inutang yung pangkaen nyo. Sige na nga! Kahit inutang yung perang pang-kaen basta hindi naman lumalagpas ng 2 weeks at bayad nyo na agad yung inutang nyo... Kasi kinsenas at katapusan ang sweldo. Every year, meron kang Starbucks planner na hindi naman nasusulatan. Kumpleto ka ng collectible toys at tumblers ng Jollibee, KFC at McDo. At inuuwi mo yung kutsara, tinidor, bucket, katchup, sugar at creamer ng mga napupuntahan mong kainan sa labas. Mayroon ka rin rewards card a.k.a. disadvantage card na nagsasabing "eat 6 more times so we can give you your money's worth", kasi finally after mong makumpleto yung stamps, bibigyan ka ng free 1pc chicken meal. Isa ka rin dun sa madaling maengganyo ng : Buy 1 Get the 2nd one at 50% off ! Kaya naman minsan pag kumakaen ka sa labas, may kasama kang type2 ng diniscuss natin sa taas na uubos ng inorder m. Para nga naman "sulit"

At jan nagtatapos ang chapter na to. Alin ka dito sa tatlo? May specific na tao ka bang naaalala sa mga binanggit ko? Nabitin ka ba sa binasa mo dahil bihirang pumatak ng 800 words per chapter ang sulat ko? Pwes okay lang yan. Kasi ako din. Hehehe.

See you!!!!
- Binibining Conyo

Share ko lang. Nakakatawa kasi talaga yung kinainan namin noon nakaraan.
Ang pangalan ng restaurant?

"Kahit Saan"

Ang witty!

Para nga naman pag nagtanong si Maya-type kay Accidental-type kung saan sila kakaen sa labas, sasabihin ni Accidental: ikaw? "Kahit Saan" ?  Ahahaha! Lodi talaga!..

Bbye! ;)

Conyo Girls: Problems SOLVED!!! (On-Going, Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon