Bistay! Malapit na!

1 0 0
                                    

Sa wakas! Malapit na talaga kami makasal! Hindi na drawing 'to. As in, may pag slice ng cake na magaganap; may pa-flowers, may pa-I Do, may music, may social na couples couch, photo booth, lahat!... If kakasya sa budget.

Napaka mahal pala magpakasal. Kasing mahal ng isang bahay at lupa sa cavite or laguna yung magagastos mo sa isang araw. Eh kung dun sa area na yun ka nmn nakatira, forever mo nang titirahan yung bahay sa Laguna, hindi lang isang araw na pakinabang.

Ang goal ko ay makasal na budget di lalagpas ng 120k. Grabe. Kahit yung 120k ang sakit sakit sa mata.

Example ng breakdown for 100 pax:
Venue - 35k
Flowers - 15k
Government documents - 5k
Catering - 50k
Styling and decorations - 15k
Videographer - 35k

Teka parang dito pa lang lagpas budget na ako. Wala pang gown si bride at brides maids. Wala pang hair and makeup. Andami pang kulang.

Importante may date na, at venue, and bahala na ang mga susunod.

Every year tumataas pa ang presyo nila ng about 2-5k per line item. Grabe bes! Sobra talaga!

Oh well. May awa ang Diyos, at praktis na namin ito bilang future mag asawa.

Nakaka overwhelm sa dami ng feelings. Halong saya, kaba, challange, excitement, inggit, pride, ang nararamdaman ko. It's too much.

Bahala na.

Ang masasabi ki lang ay: bahala na. Tuloy ang buhay.

Gusto ko sanang ilabas lang tong pressure na nararamdaman ko. Thank you guys.

Binibining Conyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Conyo Girls: Problems SOLVED!!! (On-Going, Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon