Tagumpay

7 0 0
                                    

" galing at talino ng pilipino. Tagumpay.
Emperador Rhum"

Grabe naman si Coco Martin. Bakit ba naka pormal na pormal ang ayos ng mga tao doon sa patalastas ng nakalalasing na inumin na 'yon? Tas kumakanta pa sila tungkol sa "galing" at "sipag" ng Pilipino na "walang kapantay". Hindi ko malaman ang nararamdaman ko kung mabibilib ako dahil naitago nila ng swabeng swabe ang pag aasociate ng mga salitang "galing" at "talino" sa mga bagay katulad ng "alak" at "paglalasing". Kuha mo? O maiinis ako dahil ako lang ang nakapansin nito. Nag aalala lang kasi ako kasi ginagawa nilang normal lang sa mga nagtatagumpay ang paginom ng alak. Sa totoo lang, isa itong uri ng peer pressure. Nalulungkot yata ako dahil alam kong karamihan sa inyo ay mapapabili ng alak dahil sa patalastas na to. O mas nakakalungkot, dahil kahit walang patalastas na maganda ang lyrics, composition, cinatography, artista, lighting, direction, kahit basura pa at kabaligtaran man ng commercial na ito ang pinapakita sa publiko ay may bibili at bibili pa rin nitong pambihirang alak na to. Kumbaga "the product sells itself "

Kung nagets mo ako, salamat. Kung hinuhusgahan mo na ako ngayon ng: "grabe ka naman, ate. Parang, hindi ka ba umiinom kapag napromote ka? Nag birthday? Nanalo sa Olympics? O naging bagong kasal? Kabayan, hindi po ako umiinom ng alak. Milk tea pwede pa. Pag may okasyon lang. Milk tea ang alak ko. Kahit anong colored drink ang inumin ko, arcie, pop (kung meron pa nun), milo, gatorade, energen, yakult man, atbp; ibig sabihin noon inii-spoil ko na ang sarili ko noon.

Conyo Girls: Problems SOLVED!!! (On-Going, Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon