Adventure time guys! With me and my mom... and some random guy. No. Hindi po kami nang hold up sa jeep. Ishe-share ko lang yung ibinahagi sa akin nung manong na kasbay namin sa jeep, at itago na lang natin sya sa pangalang: Juan.
So kami ni mama, pupunta sa mall. Kaso trapik. Gabi na.
"Manong, jan lang po sa Ever. Dalawa."
Tapos si Kuya Juan, be like:
"Manong, malapit na yung Sandigan? Dun po sa sakayan ng Mali?"
Driver: HIndi. Malayo pa.
Matapos sumakay ng ilang pasahero, nagtanong ulit tong makulit na si Jun.
"MANONG, malapit na yung Sandigan? Dun po sa sakayan ng Mali?"
Driver: HIndi. Malayo pa. Relax lang po kayo.
Jun: Manong, malapit na po ba????
Driver: RELAX Ka Nga Lang! Kaya ka naliligaw ee. (Iligaw kita jan ee)
Mama: Malayo pa yun boy. Dapat kasi nag ****** ka, tapos ****** para mas malapit ka sa ****** (Note: hindi ko alam mga pinagsasasabing lugar ni mama)
Ako: Pwede pa po kayong matulog. (snicker snicker)
Mama: Malayo pa yun boy. Sasabihin ko sa 'yo kung malapit na.
Jun: Maraming salamat po nanay ah.. At kasama nyo pa pala yung apo nyo.
AAAAHhhhhhh! Excuse me.
Ako: Mama ko to. hehe.
At dun ko naka eye kontak si kuya.. Naku fill in the long blank yung ngipin nya. hehe.. Parang di katiwa-tiwala. Naka shorts, cap, backpack na sira yung ziper, hindi amoy alak... Pero mukang construction worker.
Jun: Yun na nga ee.. Kanina naka tulog ako. Naligaw tuloy ako. Naka abot ako ng Novalichez. Isipin mo yun? Kaya nga ayaw ko nang matulog ee. Uy, salamat talaga nanay ee.
Mama: You're welcome boy.
Jun: Salamat talaga nay sa pag- entertain sa akin ah. Kasi ang layo pa ng byahe ko ee. Pangatlong ikot ko na to ee.. Lagi kasi akong lumalagpas.
Si kuya, how is that possible? HIndi naman sya amoy alak. Hindi naman din gabing gabi. Alas cinco pa lang naman.
Jun: Eto nagancho p nga ako eh.
Mama: Oh talaga? Naku! Kawawa ka naman pala!
Jun: Opo. Eto po kasing bag ko. Sinira yung zipper e. Natanggal po yung mga gamit kong pang ayos ng cellphone. Technician po kasi ako ng cellphone. Ui, salamat nga po sa pag entertain sa akin ah.
Mama: Wag ka munang bumaba. Malayo pa.
Jun: OO nga po. Kaya nga po nagpapasalamat na po ako in advance. Salamat po talaga ah. Ate din ah.
Ah.. Si kuya, may disenteng trabaho naman pala. Mahilig mang-opo. Mukang magalang naman. At smiley face pala sya. Kahit hindi pang happy tooth paste commercial ipin nya. Pero akala ko din aktong bababa na sya eh. Kung makapag thank you parang huling habilin na nya ee.
Ako: You're welcome ser.
Jun: Dito po nakalagay yung ****** na pang-******ko ng ****** ko. Pati yung ****** ko! Na-gancho talaga ako. Hai. Kaya nga po nag-iingat na ako talaga ngayon. - (Note: Di ko maintindihan yung mga pinagsasasabi nya. Basta apparently madami syang nawalang gamit na para sa hanap buhay nya.)
Mama: Ah. Kaya pala tanong ka nang tanong.
Jun: Mas mauuna po ba kayong bumaba sa akin? Sino pong mas ma-uuna sa atin?
Mama: Ikaw.
Jun: Ai, salamat. Salamat po talaga. Ayaw ko na po talagang ma-gancho ee. 50 pesos na nga lang po pera ko ee.
Take note. He said "gancho" A LOT OF TIMES. So I'm like. Grabe, ang conyo ni kuya. Legit.
Mama: Oh! Dito ka na boy! Pumunta ka ****** tas tumawid ka sa ****** para di ka maligaw.
Jun: Salamat po talaga. Mam. Hapi holidays po! Ser. Thank you. Salamat nay. Ate!
Maka "ate" ka jan. Manong. Mas matanda ka sa akin ui! At isipin mo yun: Lahat ata ng tao sa jeep kinausap nya at binati nya ng good evening.
Iba ka ser!
Lesson of the story: Wag maging judge-y.
Ano, may natutunan ba kayo ngayon? Ang satire no? Ako lang ba ang nagja- jujudge dun? Ang waki at bibo ni kuya. Di ko alam kung maiimpress ako dahil naka tatlong ikot na sya at parang bibo pa rin sya, o maaawa ako sa kanya for the same reason ee.
Ohlrayt! Drive safely. Maging alisto sa kalye. Kung nabasa mo to nang buo, you got great taste girl! Ya. I know you are a girl. haha. I'd hate to think that a man would read this,,, with out expecting something steamy.
Thanks po!
BINABASA MO ANG
Conyo Girls: Problems SOLVED!!! (On-Going, Unedited)
Humor*Ranked #15 under #Compilation* Bawat isa sa kanila ay may pinagdadaanan. May namomoroblema sa pera, sa kaibigan, sa magulang, strangers, sarili nyang buhok, atbp. Sundan natin ang mga short story ng mga babaeng conyo. Alamin na din natin ang opinyo...