Chapter 2

22 5 8
                                    

Chapter 2
Confussion

Naghahanda ako para sa gagawin kong ekshibisyon ngayong gabi. Kagaya ng nakuha kong clue mula sa libro ay sa gabi daw lumalabas si Jack. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa akin na nagsasabing kailangan kong gawin ito.

Naalala ko ang taong nakita ko sa harap ng gate namin kagabi malakas ang kutob kong hindi iyon resulta ng guni guni ko kundi ay totoo iyon. Kung totoo nga ay bakit? Bakit nasa harap ng bahay namin si Jack? At paano? Paanong nalaman niya ang mga hakbang na ginagawa ko? Alam niya nga ba ang tungkol dito? Kung hindi ay maaaring may iba pa siyang kailangan at iyon ang dapat kong alamin.

"Kailangan kong bigyang kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa akin." Bulong ko sa sarili. Pagkatapos kong maghanda ay naramdaman ko nalang ang sarili kong naglalakad.

Mabilis. Napakabilis ng pangyayari at ngayon ay nasa labas na ako ng dati naming bahay. Pati ako ay nagtataka din kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa.

Pumasok ako sa loob ng bahay. May kung anong presensiya ang naging dahilan ng pagbalot ng takot sa katawan ko. Nanatili akong tahimik at kalmado. Napakadilim ng bahay at wala akong balak buksan ang ilaw. Dahil alam ko. Nararamdaman kong may iba akong kasama dito.

Napaisip ako kung bakit. Kung ano ang kailangan niya-- nila. Tama, nila. Dahil hindi lang iisa ang nararamdaman kong presensiya.

Dahan dahan lmat tahimik lang ang mga ginagawa kong hakbang. Pinilit kong huwag makagawa ng kung anumang ingay upang maiwasan kong matawag ang pansin nila.

Hakbang pababa ng hagdan ang naririnig ko kaya minabuti kong pumasok sa kusina at doon itago ang aking sarili. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko nang may bumukas ng ilaw sa sala. Mas isiniksik ko ang sarili ko sa likod ng pintuan upang mas makapagtago.

"Kailangan niyong mahanap ang notebook sa lalong madaling panahon. Kakailanganin namin iyon upang maisagawa ang pagpapasa." Nakasilip lang ako maliit na butas. Nakita ko ang mga armadong lalaki na nakasuot ng itim na bonet na siyang bumabalot sa kanilang mga mukha. At isang lalaki din na nakasuot ng maskarang purong itim at tanging mga mata niya lang ang nakikita katulad ng mga kasamahan niya. Sa kanya din galing ang tinig kanina na may awtoridad kung mag-utos.

Bigla kong naalala ang lalaki kagabi. Ang awra niya, ang presensiya, ang kanyang dating at tindig. Hinding hindi ako maaaring magkamali. Napaisip ako sa grupo ng salitang nakita ko kahapon sa libro,

The time is ticking in the clock
At night make sure that your door is locked.
When night becomes deeper and colder
He's at your back and serve as your killer.

"Jack." Bulong ko ng mahina. Hindi ko alam pero napangisi ako. Abot kamay ko na siya. Sayang lamang at ang paghahanap ko lang sa kanya ang napaghandaan ko, hindi ang kung paano ko siya haarapin kapag nagkita kami.

"Jack, nahalungkat na namin lahat ng parte dito sa bahay pero walang notebook na kagaya ng ipinapahanap niyo." Mas lumapad pa ang ngisi ko nang nabigyang hustisya ang hinala ko sa lalaking nakamaskara ng itim. Tinawag siyang Jack ng lalaking kasama niya.

Ngunit madali ding napawi ang malawak na ngisi ko sa sumunod niyang sinabi,

"Lahat napuntahan na maliban sa kusina." Nanindig ang balahibo ko dahil susunod na silang pupunta dito sa kinalalagyan ko. Mabilis na dumaloy sa katawan ko ang takot. Binalot din ako ng malamig na pawis.

Kasabay ng mga hakbang nila papunta dito ang mabilis na pagtungo ko sa kabilang pintuan palabas ng bahay. Ang pintuang ito ay sa likod na ang punta kung nasaan ang bodega.

Nanatili akong nakatayo sa likuran ng nakasarang pintuan at pinakiramdaman sila sa loob. Kung ano anong tunog galing sa mga gamit pang kusina ang maririnig ko sa loob.

Chasing PokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon