Chapter 9
He's BackMy eyes is pasted into a person which has eyes colored light brown before but now turned blue. I still can't believe it, after three days and now he's back but I think not really he is... Ibig kong sabihin ay hindi ko na siya kilala, maging siya sa amin. He became cold, expressionless, and turned his face into blank like as if we didn't yet met before.
Hanggang ngayon ay wala padin siyang salita. Kinakamusta siya ng iba pero tanging tingin lang ang ipinapataw niya sa mga iyon. Maging si Rain ay hindi niya magawang kausapin. Anong nangyari sa kanya?
"He is weird," napatingin ako kay Zyx at saka napatango bilang pagsangayon. Napatingin ako sa kamay nito, may bandage padin sa doon kung saan ipinasok ang may kahabaang karayom.
I can do nothing but to stare at him. Naalala ko ang huli niyang sinabi,
"Hanggang sa muli," b-but what the hell happened? Bakit tila wala siyang kilala sa amin? O baka naman kumukuha palang siya ng lakas... Tama. Hindi pa siya tuluyang nakapahinga matapos ng tinatawag nilang pagpapasa kaya hindi pa siya gaanong nagsasalita. Maybe he need some rest dahil pangatlong araw niya ngayon at pumasok siya kaagad pagkatapos non,
Natapos na ang klase at nakikita ko nalang ang sarili kong nakasunod lang sa kanya. Binilisan ko ang aking paghakbang upang masabayan siya,
"Stephen," tawag ko sa kanya pero hindi manlang siya nagabalang tumingin,
"S-stephen," sabi ko pa kasabay non ang paghawak ko sa braso niya. Bumungad sa akin ang blanko niyang mukha. Tumaas ang isang kilay nito,
"Sorry, Miss?" Tanong nito saka inilibot ang kanyang paningin,
"You must be mistaken, I'm not Stephen." Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya. Itinawa ko lang iyon para isawalang bahala ang naging sagot niya,
"It's not a good joke at all," naiiling kong sabi.
"Miss, look at me..." Ngayon ay malinaw na sa paningin ko ang kulay asul niyang mga matang alam kong dulot ng likidong isinaksak sa kanya,
"Do I look joking?" Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mga matang iyon. Napabuntong hininga nalang ako. Kinalma ko ang sarili ko dahil mukhang hindi naman siya magbibiro. I just don't get it, paano nangyari iyon? Parang may mali.
"I'm sorry... May I know your name, then?" Tanong ko nalang,
"Dos," sagot niya lang at nagumpisa nang maglakad paalis. Bumaba ang dalawang braso ko. Nasaan na yung Stephen na tutulungan ako? Ibig kong sabihin ay iyong magbibigay sa akin ng daan patungo sa krimen na gusto kong maresolba?
Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin,
"Nagkausap kayo?" Si Rain. Napatango ako.
"Hindi daw siya Stephen. Dos... Yeah, right. Dos is his name." Natawa pa ako ng bahagya dahil hindi padin ako makapaniwala.
"That's insane," bulong ni Rain pero sapat na para marinig ko.
"Stupidly insane," pagsangayon ko.
"Hindi kaya nagka amnesia siya? N-nung nangyari ang putukan sa bahay nila, baka mabagok ang ulo niya. What the fuck!" Napailing nalang ako sa inaasta ni Rain. Sabagay, kung wala akong alam ay malamang iyon din ang iisipin ko.
"Your crazy. Walang pasyenteng may amnesia ang lalabas ng ospital ng tatlong araw lang," saka na maglakad palayo.
"S-sabagay," huling rinig ko galing sa kanya saka siya tuluyang iniwan.
Sa may hindi kalayuan ay nakita ko ang isang babaeng tumatakbo. Kahit malayo iyon ay kilalang kilala siya ng mga mata ko. Naramdaman ko nalang ang paghila ng mga paa ko sa katawan ko palapit sa kanya.