Chapter 12

14 1 0
                                    

Chapter 12
Agreement

Naglalakad lakad lang ako sa mga pasilyo dito sa Princetone nang biglang sumulpot sa tabi ko si Brix. Binigyan ko lang ito ng ngiti saka muling ibinaling sa daanan ang aking paningin at nagpatuloy sa paglalakad.

Alam kong isa din siya sa mga makakasama ko pagdating ng tamang panahon. Malakas ang pakiramdam kong siya ang anak ni Heart at sa kanya ipapasa ang katungkulan ng kanyang ama.

Ang hindi lang mawala sa isipan ko ay sino ang Bulaklak? Si Dos, si Brix, ako... Malapit na. Sino pa ang isa? At isa pang palaisipan sa akin si Ace.

"Himalang wala ngayon si Zyx sa tabi mo... Ayos ka lang?" Tinapunan ko ito ng tingin. Ngumiti ito sa akin. Tinanguhan ko lang siya saka ginantihan din ng ngiti.

"Nabanggit mo nalang din si Zyx... Nakapagusap na kayo?" Umiling ito.

"Wala pa akong lakas ng loob para gawin iyon," malungkot nitong sabi.

"Walang mangyayari kung pareho niyong iiwasan ang isat isa." Minsan kailangan nating harapin ang isang problema dahil kung hindi ay, kahit saan tayo pumunta susundan tayo nito.

"Kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob? Kapag huli na ang lahat?" Parang may bumara sa lalamunan ko matapos ko iyong sabihin. Sa mga mangyayari sa hinaharap ay hindi malabong mayroon ngang katapusan ang lahat.

"Siguro kapag nagpakatotoo na siya," payak nitong sabi. Napatingin ako sa kanya, nasa daanan lang ang kanyang tingin... Diretso. Ibig sabihin ba non ay hindi totoo ang ipinapakita ni Zyx? Pero kung totoo man iyon ay okay lang dahil sa pagkukunwaring iyon, doon gumaan ang loob ko sa kanya.

"Minsan kailangan nating magkunwari para hindi masaktan---"

"You mean, you need to cheat yourself to keep it safe? Hindi ba parang ang labo non? Dadayain mo ang sarili mo para hindi ka masaktan. Para mo na ring sinaktan ang sarili mo dahil binubulag mo ito sa katotohanan." Well, it's life that need to be lived. Minsan kasi mas nagiging masaya tayo sa kasinungalingan. At kahit alam mong pagkakamali iyon, wala kang pagsisisihan dahil kahit kaunti ay naranasan mong sumaya.

"If there's nothing else to make you happy. You need to create it, yourself." Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may darating para pasiyahin ka... Para kumpletuhin ang araw mo. Minsan ay kailangan mong gumawa ng paraan para sumaya ka. Happiness is when you are contented of what you can do for yourself.

"Happiness is a matter of choice. Pwede mo namang tawanan ang mga problema mo," natawa ito ng mahina.

"If you will just going to laugh with it. It will remain unsolve. Laughing sometimes can't help." Sagot ko.

"Kaya ba palagi ka nalang nakasimangot?" Natatawa nitong tanong,

"Kaya lagi akong seryoso. We need to take problems seriously in able for us to cope up with that." Pagtatama ko.

"Ang seryoso mo naman," sabay nalang kaming natawa.

Ilang sandali lang ay napadpad kami dito sa school garden. Kagaya ng palaging nadadaanan ko dito ay tahimik lang at payapa. Walang masyadong estudyante dito dahil siguro boring para sa kanila. But for me, being in this place is life. Magkakaroon ka ng kapayapaan sa isip kapag nandito ka habang pinagmamasdan ang mga nakapaligid sayong ibat ibang uric ng halaman at bulaklak. Makakapagisip ka ng maayos dahil tila inililipad ng sariwa at malamig na hangin ang mga bagay na bumabagabag sa iyo.

"Napakasarap pagmasdan ang tanawin dito no?" Tanong niya na para bang nababasa ang mga iniisip ko.

"Hindi ka ba natatakot?" Pangbabalewala ko sa tanong niya. Tinignan ko ito, seryoso lang itong nakatingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing PokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon