Chapter 7

5 0 0
                                    

Chapter 7
Confront

Dinala ako ni Zyx dito sa clinic upang magamot ang sugat na natamo ko. Halos hindi ko din maramdaman ang pagdikit ng bulak sa balat ko dahil sa sobrang ingat niya. Napagpasiyahan niyang siya na lamang ang gumamot non dahil wala ang nurse na naka duty ngayon dito.

"Wala na ba siyang ibang ginawa sayo?" Nagaalalang tanong ni Zyx. Umiling ako dahil iyon naman ang totoo.

"Gago talaga yon kahit kailan," bulong niya pero sapat na para marinig ko.

"You mean, this is not the first time?" Tanong ko. Tumango siya.

"Karamihan sa gulong nangyayari dito sa university ay kasali siya," mahinang tawa ang narinig ko pagkatapos niya iyong sabihin. "Di na siya nagbago," sabi niya pa.

"Kilala mo siya?" Napangiti ito ng mapait. Tumayo siya ng bahagya. Natapos na pala siya sa panggagamot ng sugat ko, hindi ko manlang namalayan.

Nakita ko ang pagbabago ng timpla niya, ngayon ay hindi siya makatingin ng diretso sa akin. May mali ba sa tinanong ko?

"Kung ayaw mong sagutin, ayos la---"

"We are more likely to be brothers," sabi niya. Nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang lungkot doon. Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Hinagod ko ang kanyang likod.

"I'm sorry," sabi ko.

"It's okay," lumabas kami ng clinic at saka naglakad lakad.

Isang subject pa ang kailangang tapusin bago kami makakauwi pero wala na kaming balak pumasok. Hihintayin na lang namin ang oras upang makauwi na.

"He's the reason why I'm afraid to be committed to anyone, again." Tahimik lang ako habang sinasabayan ang kanyang paglalakad. Pinabayaan ko siyang ilabas ang mga saloobing alam kong matagal niya ng gustong ilabas.

"Bigla nalang siyang nagbago," bulong pa niya.

"Do you even bother to know why?" Tanong ko. Umiling lang siya. We are not in the place to say someone they've change if weren't able to know their reasons. Madaling sabihing nagbago sila pero mahirap intindihin kung bakit dahil nga hindi tayo nagtatanong, wala tayong alam.

"I tried asking why, but you know, there were things that is better left untold." Sagot niya.

"Dahil kapag hindi natin napaghandaan ang maaari nilang isagot, masasaktan lang tayo." Sabi pa niya.

"Kahit na kapalit naman non ay madaming tanong ang gugulo sayo? Na abot kamay mo naman ang mga sagot sa tanong mo pero hindi mo iyon gustong abutin?" Umupo ito sa bench, tinabihan ko siya. Diretso lang siyang nakatingin sa maaliwalas na paligid. Nakita ko pa ang pagtaas baba ng bukol sa kanyang lalamunan.

"Mahirap malaman ang sagot sa mga tanong natin, lalo na kapag hindi natin iyon napaghandaan. But you know, we need to face our fears in able for us to overcome weakness." Nakangiti kong sabi. Nagulat ako nang bigla niya nalang akong yakapin. Hindi ko naman iyon ipinagkaila sa kanya ay niyakap ko din siya pabalik.

"I temporarily lose myself. Thank you, Autumn. You fixed it for me." Mas lalo akong napangiti sa narinig,

"No, Zyx. Thank you. You've made me realize a lot." Bulong ko.

Diretso lang sa daan ang tingin ni Zyx at ganon din ako. Kasabay ng unti unting paglubog ng araw ang pagtahak namin sa daan pauwi. Pagkatapos ng madamdaming paguusap namin kanina ay nagpresenta itong ihatid na lamang ako.

"Baka magalit ang papa mo kapag nakita niyang ganyan ang suot mo." Sabi niya pero nasa daan lang ang paningin niya.

"I don't think so. Baka nga pagkauwi ko wala pa siya," matawatawa kong sabi. "And I think he wouldn't mind." Sabi ko pa.

Chasing PokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon